Chapter 11

2.1K 27 3
                                    

Kinabukasan nag-commute nga kami ni Blaise. KKB kami sa pamasahe at feeling ko male-late na ko. Antagal kasi maligo, kainis! Dinaig pa ko.


At eto pa, antagak naming nakakuha ng jeep! Pero nung nakasakay naman na kami, parang wala lang yung oras, nagkwenthan lang kami hanggang sa hindi namin namalayan na asa babaan na kami ng LRT.


Maraming tao, at andami ding napapatingin sakanya. Pati mga kampon ng kadiliman, napapatingin din sakanya. Mahirap pala talaga pag sobra-sobra sa biyaya ang BF mo.


Gwapo talaga si Blaise, hindi halatang wala siyang pera. Ubod kasi siya ng puti na mamula-mula, tipong parang hindi pa siya nakakagat ng lamok simula nung iniluwal siya sa mundo. And syempre kapag maputi, parang ang linis-linis. Parang ang bango-bango? Kaya mukha siyang gwapo, pero siguro pag-pinunta mo siya sa European countries, walang-wala ang angkin niya mala-prinsepeng pangangatawan sa mata ng mga asiano.


Anyways, kamay ko naman ang hawak ng lalakeng pinapantasya nila. Matunaw sila sa inggit!


Umakyat na kami sa hagdan at bumili na ng ticket. Sobrang dami ng tao! Box office hit ung train, para siyang isang malaking barko na inaabangan ng mga pirata!


Kami ni Blaise ung prinsepe't prinsesa na hostage.


Ghad! Ano na bang nangyayari sa kin??? Kung ano-ano ng kakornihan ang pumapasok sa utak ko! Hindi na to healthy sa ispiritu ng tunay kong katauhan.


Nang makabili na kami ng ticket, saktong paparating na ung train kaya nagmadali na kaming pumasok sa loob. Kahit na asa dulo kami ng pila pinilit ko si Blaise na sumakay na. Ayoko kayang malate!


Asa tapat na tapat kami ng pinto at para kaming mga sardinas na nagsisiksikan sa loob! Gosh, I HATE RUSH HOUR!!! Kaya nga ako bumili ng sasakyan para hindi maranasan ang ganito, ito naman kasing si Blaise, kung ano-ano ang naiisip.


Pero okay lang din naman, may free hug ako.


"Do you need some air? Bababa tayo sa next station"


"No I'm okay. Don't worry you're giving me enough space"


Two minutes kaming ganun, and nung nag-stop ung train sa Gil Puyat, bumababa kami para mag-bigay daan sa mga bababa, ito kasing mahirap sa mga tao dito sa LRT, wala silang sistema sa katawan, alam na nga nilang asa tapat sila ng pintuan ayaw pang bumaba saglit para dun sa mga lalabas, haay buti na lang kaming dalawa ni Blaise ang nasa tapat. Pumasok na kami ulet at sumuksok na sa mejo gitna nang wala ng lalabas.


"Pano pala pag wala ako? Edi naipit ka na dyan, ay hindi, napirat ka na"


"May kotse ako, hindi ko na kailangang mag-commute"


"Pag nasiraan ang kotse mo?"


"Taxi"


"Ah kaya pala nakita kitang nag-lrt last time! Bat di ka nag-taxi nung time na un?"

Play With Blaze [FINAL EDITION]Where stories live. Discover now