Chapter 16

1.7K 28 0
                                    

At dahil nga sa sinabi ni Blaise, wala akong choice kundi ang kausapin si Jess.


Grabe nga ei. Siya pa talaga nag-hatid sa kin sa coffee shop na sinabi ni Jess. Asa parking lot na kami at hininto na niya ang kotse.


"Blaise, pano kung maniwala ako sakanya? Hindi ka ba natatakot?"


"Maniwala ka sakanya Cindy dahil totoo lahat ng sasabihin niya, basta asa pad mo lang ako mamaya."


"Pano kung magalit ako sayo?"


"Hmmm..."


Ngumiti siya sa kin.


"Hear my side later baby. I'll tell you everything."


He kissed me goodbye bago ako bumaba ng kotse.


Pinuntahan ko na si Jess sa coffee shop at nakita ko rin naman siya agad pag-pasok ko. Sinalubong niya ko ng yakap, at hindi ko mapigilang mailang.


"Buti dumating ka!"


"Pinilit niya lang ako."


Wala na kong pakialam kung masaktan si Jess sa pagiging cold ko sakanya.


Alam kong naramdaman yun agad ni Jess dahil sa pilit na ngiti niya ngayon sa kin.


"Cindy alam kong galit ka sa kin dahil sa mga sinabi ko kay Blaise, pero sana naman paniwalan mo ko bago ka magalit."

"Blaise told me everything, na-misunderstand mo lang siya Jess, and I hate you for being so close minded."


"Sinabi niya na ang lahat sayo?"


"Oo sinabi niya."


"Talaga? Sigurado kabang totoo lahat ng sinabi niya??"


Hindi ko masagot si Jess, pero may katwiran naman ang sinabi ni Blaise sa kin, kaya bakit hindi ko paniniwalaan???


"So alam mo na, na binayaran ko siya ng half a million para makipag-one night stand sayo???"


"'Ano?????"


Parang nabasag ang nakangiting mukha ni Blaise sa utak ko.


"Cindy totoo, binayaran ko siya ng ganung kalaking halaga para mapigilan kang mag-pa-inject, akala ko kapag naranasan mo na ang bagay na yun e mag-de-decide ka ng magkaroon ng sariling pamilya. Actually nag-dagdag pa ko, kasi nag-decide ka pa din na ituloy ang pag-papa-inject mo, tinawagan ko ulit siya at um-oo siya. Alam kong malaking kabaliwan ang ginawa ko, pero hindi ko naman kasi alam na ganito ang mangyayari. Tyka isa pa, kilala mo ko, hanggat hindi ko na-re-realize na mali ang ginagawa ko, gagawin ko pa rin. I'm sorry Cindy, hindi ko talaga dapat ginawa to..."

Play With Blaze [FINAL EDITION]Where stories live. Discover now