Chapter 21

1.9K 22 0
                                    

Gabi na at nasa veranda kami ni Kyo. Agad ko naman kasing nakuha ang tiwala niya kaya pumayag siya na mag-stay kami sa labas.


Okay din siyang kasama, gustong-gusto ko kapag tumatawa siya, dun mo kasi makikita na bata pa talaga siya at tulad lang siya ng mga teenager sa highschool.


Hindi ko alam kung bakit halos na-i-kwento ko na lahat sakanya ang mga nangyari sa min ni Blaise. Meron kasi siyang appeal na, "Oh com' on, you can tell me everything" aura.


"Ikaw bakit ka naman nagta-trabaho kay Blaise?"


"Para sa sweldo."


"Ano ba Kyo, sigurado akong walang tao ang pipili sa sitwasyon mo kahit gano kalaki ang i-offer niya. Sa ugali niyang yun, imposibleng may makatagal sakanya lalo na't nambabanta pa siya."


Napayuko siya at bahagyang napangiti ng mapakla.


"Lahat naman ata ng mahirap sa mundo isa lang ang ginagampanang papel, ang mag-pa-alila sa mga mayayaman para magkapera, yun lang naman ang alam naming gawin para mabuhay lalo na sa tulad kong wala namang pinag-aralan at di naman ganun katalino."


May halong lungkot ang tono ng pananalita niya at hindi ko mapigilang maawa.


"Wag ka sanang matakot sa kin ma'am, pero ang totoo nyan, isa akong ex-convic. Napatay ko ang lalakeng ng rape sa kapatid kong bulag."


Nabigla ako sa sinabi niya, pero imbis na matakot ay parang mas lalong tumaas ang gusto ko na tulungan siya, lalo na't sinalubong niya ko ng matamis na ngiti pagkatapos ng sinabi niya.


"Pero maniwala ka ma'am, hindi po ako masamang tao. Nagawa ko lang yun dahil sa sobrang pag-mamahal ko sa kapatid ko. Buti na nga lang po at andyan si Atty, De Asis para tulungan kami. Sa totoo lang ma'am, mabait si Sir kahit na hindi halata sa gawa. Wala kaming kahit anong binayaran sakanya at sabi niya pa, manalo matalo, ilalabas at ilalabas niya ko sa kulungan."


"Attorney De Asis?"


"Opo ma'am, bakit po? Hindi niyo po alam na abogado si Sir?"


"Hindi."


"Hahahahaha! Ano ba namang klaseng asawa kayo."


"FYI! Hindi kami mag-asawa!"


Kainis, pagtawanan ba ko! Eh sa hindi ko alam ei.


"Anyway, so ito ang bayad mo sa libreng serbisyo niya?"


"Parang ganun na nga po, pero parang hindi rin kasi sinuswelduhan niya ko."


"Matagal ka na ba sakanya?"


"Opo, mag-iisang taon na."


I gave him a weird look. Baka naman bakla to.

Play With Blaze [FINAL EDITION]Where stories live. Discover now