Chapter 18

1.7K 26 0
                                    

Blaise and I were so happy...


Wala kaming ibang pinag-uusapan ni Blaise kundi ang magiging future ng magiging anak namin. Ang saya kasi sobra siya kung makapag-alaga sa kin na halos ayaw na niya kong pakilusin.


Naiinis na nga ako minsan ei. kasi lagi niyang pinipilit na wag na daw akong pumasok at siya nga daw talaga ang boss ko kaya kailangan ko siyang sundin. May pagka-baliw talaga siya. Minsan hindi ko na alam kung saang banda ko siya seseryosohin.


Isang lingo pa nga lang ang nakalipas simula nung nalaman naming buntis ako e ganyan na siya. Pano pa kaya kapag lumaki na yung tyan ko?


"Cindy, seryoso talaga ako wag ka ng pumasok. Matulog ka na lang ng hanggang gusto mo, at mag-stay dito sa pad."


"Kaya ko pa naman Blaise, tignan mo nga. Hindi pa naman ako mukhang buntis talaga."


"Pero buntis ka na nga."


"Ayan nanaman tayo, kada umaga na lang lagi na lang ganito. Tapos sasabihin mo nanamang boss kita."


"I'm really your boss, you just don't believe me."


"Whatever Blaise, aalis na ko. Bye~"


Hahalikan ko sana siya sa pisngi pero umiwas siya at hinawakan ang kamay.


"Cindy, kapag pinag-patuloy mo ang katigasan ng ulo mo, wala akong choice kundi-


"Haay ewan ko sayo Blaise! Papasok na ko. BYE!"


Tumalikod na ko sa kanya at umalis na sa pad.


Grabe siya, parang hindi naman na ako ang prinoprotektahan niya, parang mas gusto niya lang makatiyak na okay yung baby namin.


Kainis, nakakapang-selos tuloy.


Napahinto ako at napabuntong hininga.


"E kung takbuhan na lang kaya natin ang ama mo? Masyado na kasi siyang paranoid lately ei. Baka mahawa ka sa kabaliwan niya..."


Yumuko ako para tignan ang tummy ko.


"Ano sa tingin mo baby? Praning na yung tatay mo noh?"


Napa-smile ako ng maimagine ko ang mukha ng baby ko na nakatawa.


"Haay, tara na nga."


At masaya na kong pumunta ng office.



*********



Napahinto muna ako kata-type at nag-stretch stretch. Tumayo muna ako at nakita kong nagkwe-kwentuhan ang dalawa kong ka-officemate sa tabi ng cubicle ko.

Play With Blaze [FINAL EDITION]Where stories live. Discover now