Chapter 26

1.8K 21 2
  • Dedicated to CAROL HERNANDEZ
                                    

Magaan ang pakiramdam kong pumunta dito sa restaurant na malapit lang sa inn na tinutuluyan namin.


Nalaman ko na dito na nakapirmi si Dad, dahil dun baka halos buwan buwan na kong pumunta dito. 


For once, biglang hindi ko na pino-problema si Blaise, although lagi pa rin siyang pupumapasok sa utak ko. Pero ang sarap sa pakiramdam na hindi na gaanong mabigat yung dala-dala kong sakit. Salamat sa mama ko na bigla na lang dumating at binawasan ang bigat sa dibdib ko.


Mag-a-alas tres na at wala pa rin sila Dad, sabi niya dadalhin niya daw yung dalawang kuya. Grabe na-e-excite talaga ako. Kamukha ko kaya sila? Magkakasundo kaya kami?


Kinuha ko ang baso sa tapat ko na may lamang ice tea, nasa entrance lang nakatuon ang paningin ko, at halos parang mababasag ang lamesa ng bigla kong na ibaba ang baso.


Lahat ng ini-imagine ko tungkol sa dalawa kong kuya ay biglang naglaho ng makita ko sila.


Fvck, bakit sila ang kasama ng Dad ko????




...




Blaise's POV


Kanina pa ko kinakabahan sa kalagayan ni Cindy. Kanina pa siya asa loob at kahit gusto kong pumasok, hindi ko magawa.


Inuunahan kasi ako ng takot na baka itaboy niya ko at baka mag-wala lang siya pag-nakita niya ko.


Pero-pvt@ng1n@ gusto ko talagang pumasok at i-check kung okay na siya!


Tumayo ako at nagpalakad-lakad ng pabalik-balik sa pasilyo ng room niya.


Base sa kwento ng mga nakakita sakanya, parang wala daw sa sarili si Cindy at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa malalim. Hindi kaya nag-tangka siyang magpakamatay? Dahil ba sa kin? Wala namang ibang dahilan kundi ako di ba?


Fvck! This is driving me crazy.


Umupo ulit ako sa upuan na tapat ng room niya. Tama, magpapakalma muna ako, at kahit anong mang-yari kailangan kong pumasok at tignan ang lagay niya.


Isinandal ko ang ulo ko sa pader at huminga ng malalim. Kusang nag-bukas ang mga mata ko ng maramdaman kong may tumabi sa kin.


Umayos ako ng upo at tinignan ang lalake sa tabi ko na parang kakapatuyo lang. Mejo basa pa ang suot niyang T-shirt at Khaki short.


Teka, siya yung nakita kong nagbubuhat kay Cindy papunta dito. 


Ah! Baka siya yung sumagip kay Cindy. Agad ko siyang pinansin at nakipagkamay.


"Salamat po sa pagligtas sa girlfriend ko."

Play With Blaze [FINAL EDITION]Where stories live. Discover now