-

2.4K 30 0
                                    

Question: Ano na kayang nangyari kay Philip?

-

Nagmulat siya ng mga mata at bumungad sakaniya ang madilim at mabahong lugar na kinalulugaran niya. Hindi siya makapaniwala na sa lahat ng ginawa niya ay dito lang ang bagsak niya.

Who have been taught that the great business tycoon Philip Reinier Young will rotten in jail?

Pero walang dapat sisihin kundi siya lang. Sa sobrang pagmamahal niya sa isang babae ay hindi niya inakalang masama pala talaga ang sobra. Sa paghahangad niya na makuha ang kaisa-isang babaeng nagpatibok ng puso niya ay umabot siya sa ganitong sitwasyon.

But if we're going to ask Philip if he regretted everything he have been done in the past. We will only have one answer. And that is NO. Hindi niya pinagsisihan kung limang taon niyang tinago si Martha sa asawa at mga kaibigan nito. Hindi siya nagsisisi na sa loob ng limang taon ay naging masaya siya dahil naramdaman niya ang pagmamahal ng isang Martha Dominguez kahit pa hindi totoo ang lahat ng 'yon.

Basta masaya siya sa lahat at kung mabulok man siya sa mabaho at maduming kulungan na 'to ay wala siyang pakialam.

Inayos niya ang pagkakahiga sa manipis na kutson at kinuha ang litrato na nasa ilalim ng unan niya at tinitigang muli ang magandang ngiti ng babae.

"Tatlong taon. Tatlong taon na pala kitang hindi nakikita, Martha. Miss na miss ko na ang boses mo pati na din ang mga ngiti mo. Makalabas lang ako dito, pupuntahan kita."

Tinago niya agad ang litrato ng biglang kumatok sa rehas ang isang matabang pulis na nagbabantay sakaniya at nasa likod nito ang abogado niya. Malapad itong ngumiti ng makita siya. "Makakalaya ka na, Mr. Young." Nakangiting sabi ng pulis.

Wala namang pinalampas na oras si Philip at inayos na agad niya ang mga gamit at nakaramdam siya ng excitement dahil sa magandang balitang sinabi nito. At last, matapos ang tatlong taon ay malaya na din siya.

Isang tao lang ang gusto niyang makita, pagkalayang-pagkalaya niya at walang iba kundi si Martha. "Intayin mo ako, mahal ko."

---

Fall For Me I MTMA SideStoryWhere stories live. Discover now