Chapter 1

1.1K 19 0
                                    

Hi guys! Short story lang po ito. Not sure kung 10 chapters or 15. Depende pa din sa magiging flow ng story. So here's my update! Thank you. ♥

***

"What? Crush mo yung bago mong kapitbahay? Seriously?"

Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Kady. Nagpalinga-linga ako para masigurong walang nakikinig sa usapan naming dalawa.

Nang makita kong clear ang paligid ay nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong hininga.

"Alam mo ikaw, masyado kang maingay! Kapag may nakarinig satin, sigurado akong nasa headline na naman ng Gazette ang malaki kong picture!" Gazette ang pangalan ng website ng school namin. Hindi lang basta bastang website 'yon kasi nakalagay don ang mga chismis tungkol sa mga estudyante ng St. Ferrer Academy, which is our university.

"Eh ikaw naman kasi e. Lahat na lang ata ng gwapong makita mo ay crush mo! Kaya wag ka ng magtaka kung paborito ka ng mga editors ng school." Natatawang sabi niya.

Inirapan ko lang siya atsaka umiwas ng tingin. Alam kong kahit awayin ko pa ang babaeng 'to ay hindi niya pa din ako titigilan. Nagsisisi tuloy ako kung bakit nasabi-sabi ko pa ang naganap kagabi sa may unit ko. Nawala sa isip kong reyna nga pala ng mga 'chismosa' ang magaling kong best friend.

"Eto naman, di na mabiro! Pero kung crush mo na yang kapit-bahay niyo paano naman nan si Duke?"

Si Duke Arevalo na tinutukoy nito ay ang nangunguna sa listahan ng mga crushes ko sa loob ng anim na buwan. Sa mga nakalipas na buwan ay walang nakaagaw sa pwesto nito sa mga mata ko.

Ayokong sabihing loyal na ako sa crush kong 'yon pero kasi sa tuwing may makikita akong gwapong lalaki sa university ay bigla na lang lumilitaw ang pagmumuka niya na para bang sinasabi sakin na, 'subukan mo lang akong lokohin at di na kita papansinin'. Ganern! Kaya ang lola niyo ay akala mo'y may boyfriend na kung makapag-resist ng mga gwapo. Si Duke na lang ata ang crush ko, well except sa gwapo kong kapit-bahay. Hihihi!

"Ano ka ba?! Syempre iba si Duke kay Philip."

"Wow lang ha! May pangalan pala ang gwapong kapitbahay niyo. Akala ko ay 'gwapo' lang ang name niya." Natatawang sabi nito.

Sinamaan ko siya ng tingin at mahinang hinampas siya sa kaniyang braso. Sa totoo lang ay gusto ko siyang sabunutan hanggang sa umiyak siya at magmakaawa sakin.

Pero mabait akong best friend kaya hanggang hampas lang.

At ayon nga, kanina pa kasi ako kwento ng kwento sakaniya pero ang sinasabi ko ay si gwapo, imbis na Philip. Hindi ko naman kasi namalayan na nagbibigay na pala ako ng nickname sakaniya. Parang baliw lang ako! Ene be yen! Hohoho!

"Basta! Ayon nga, magkaiba si Duke at Philip. Tapos!"

"Magkaiba sila? Paano naman aber?" Curious na tanong pa ng bruha. Ayoko sanang sagutin ang tanong niya pero ang lintek na bibig ko ay may sarili atang isip kaya eto, napakwento na naman ako.

"Si Duke kasi parang boy next door ang peg niya. Gwapo na siya, cute pa! Ganern! Pang-boyfriend material ba? Tapos si Philip? Para siyang regalong nakabalot pa at kung di mo bubuksan ay di mo malalaman kung sino ba talaga siya. Misteryoso siya in short!" Dire-diretsong sagot ko. Nanlaki ang mga mata niya na para bang may sinabi akong nakakagulat.

Pagkuwa'y tumawa ito ng sobrang lakas. "Bakit?"

"Grabe Gi! Hindi ko akalain na may tinatago ka pa lang kalandian! Anong regalo na bubuksan si Philip? Ganon?! Gusto mong tignan kung ano ang tinatago niya?" Tumataas taas pa ang kilay nito habang nagpipigil ng tawa.

Fall For Me I MTMA SideStoryWhere stories live. Discover now