Chapter 6

643 11 0
                                    

"WHAT? KAYO NA?"

Napahawak ako sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw ni Kady. Kinuwento ko kasi sakaniya ang lahat ng nangyari kagabi including my plan. Mag-best friend naman kaming dalawa kaya ayos lang kung ikwento ko sakaniya ang ka-desperadahan ko.

"Eh paano na si Duke?" Tanong niya na bagsak ang balikat. Mukang team Duke ang luka ah?

Pero saglit din ako napaisip. Oo nga paano na si Duke na anim na buwan ng consistent sa top 1 ng crushes ko. Pero kasi, simula ng makilala ko si Philip last month ay siya na ang nag-number one at napalitan na ang pwesto ni Duke dito sa puso ko.

Oo, nakakahinayang ngang talaga. Kasi nga ideal man ko nga si Duke. Pero mas malaki na kasi ang pagkagusto ko kay Philip at sobrang saya ko na sa wakas ay boyfriend ko na din siya.

"Syempre, crush ko pa din siya. Hindi naman na mawawala 'yon. Pero meron na kasing nagiba ngayon. Gusto ko si Philip, gustong gusto ko ang boyfriend ko at ayokong mag-hiwalay kaming dalawa." Parang hindi ko kasi kaya. Isipin pa lang na mag-bebreak kami ay nahihirapan na akong huminga.

Oo nga't hindi naman kami dumaan sa traditional na ligawan. Basta na lang naging kami, thanks to my parents. Pero kasi, pakiramdam ko ay forever na kami ni Philip e. Oo na, grabe na talaga ako. Pero natatakot ako once na mawala siya sakin.

Imagine, 1 day pa lang kami ganito na agad ang nararamdaman ko? What more sa mga susunod pang araw? Baka madurog na ng tuluyan ang puso ko kapag iniwan niya ako.

Hays, ang sakit non pag nagkataon!

"Hays." Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Kady na nasa tabi ko at iniba na lang ang usapan hanggang sa magstart na ang last class namin.

Mataman lang kaming nakikinig sa professor namin pero ang isip ko ay sa iba na napunta. Panay ang tingin ko sa cellphone ko to check if there's a message from Philip pero nakakailang pakawala na ako ng malalim na buntong hininga ay wala pa din.

He promised me earlier before I go to campus that he will pick me up later and we will have a dinner date sa bagong restaurant daw na malapit lang sa unit namin. And I'm super excited ng sabihin niya ito sakin. At least, after a long and stressed day, may dahilan pa din ako para maging masaya. At iyon nga ang date namin.

Pero hanggang ngayon ay wala pa din akong natatanggap na text message galing sakaniya. 15 minutes na lang at patapos na ang klase namin. Nasan na kaya 'yon?

Hindi ko tuloy maiwasang magalala. Baka kung ano ng nangyari sakaniya. "Wag naman po sana." I whispered.

"Anong wag naman sana?" Nilingon ko si Kady na nakatingin na pala sakin. Agad akong umiling at pekeng ngumiti. Ayokong sabihin sakaniya na mukang ang 'first date' namin ni Phil bilang mag-nobyo ay mapupurnada pa. Ayokong mas lalo niyang ayawan si Philip. "Really? Eh kanina pa kita pinagmamasdan at nakakailang buntong hininga ka na. Care to share your problem?"

"Nothing. I'm fine. I promised." I smiled at her to assure that I'm really fine. Sana lang at hindi niya napansin na hindi man lang umabot sa mga mata ko ang ngiting pinakawalanan ko. Eh sino ba naman kasing magiging masaya pa after kang indyanin ng taong inaasahan mo? Nakakabwiset din pala.

Eh baka naman busy lang talaga siya o pwedeng nakalimutan lang niya. Give him the benefit of the doubt.

Napatango na lang ako sa sinabi ng kanang bahagi ng utak ko. Right. Baka naman valid ang reason niya kaya hindi niya ako nagawang itext man lang ngayong araw. Yes, stop over thinking things Gianne. Wala lang siguro 'yon.

Pero baka naman hindi ka lang talaga sumasagi sa isip niya? Maybe he's to busy in other things at nababaliwala ka lang niya. Isa pa, hindi ka naman talaga niya girlfriend. He just helped you for getting a bald head. Atribida namang sabi ng kaliwang bahagi ng utak ko.

Fall For Me I MTMA SideStoryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant