Chapter 10 (Part 2)

725 14 0
                                    

Hindi mo kailangan ng gastroenterologist na tulad ko at Obgyne ang kailangan mo, Miss Gianne. Ang mga naramdaman mo kanina ay symptoms, hindi ng sakit kundi symptoms ng pagbubuntis. Congratulations Miss Gianne. You're pregnant.

Ayan ang paulit-ulit na nag-rereplay sa utak ko. Isang linggo na ang nakakaraan. Nakausap na din kami ni Dra. Africa bago kami umalis ng hospital na siyang Obgyne ko pero ang lahat ng sinasabi niya ay naglalabasan lang sa tenga ko. Sila Kady at Duke lang ang matamang nakikinig sa lahat ng sinasabi niya.

Now I get it, kaya pala parang may problema si Kady nung magising ako kasi nga alam niyang buntis ako. Yes, I'm freaking pregnant! 4 weeks pregnant! Nabuo ang baby ko nung nagpunta kaming Batangas. And I can't believe it until now.

"Ano pang gusto mo? Eto kumain ka pa ng marami." Tinignan ko si Duke na nilalagyan ng chocolate syrup ang inihanda niyang banana split. Nakatitig lang ako sakaniya at hindi ako makapaniwala na ganito pala talaga siya. Maalaga at napaka-responsable.

Napayuko na lang ako nang sumagi sa isip ko si Philip. Si Philip na hanggang ngayon ay walang planong magparamdam sakin. Hindi siya nagtetext at tumatawag man lang para kamustahin ako. Pero ano pa nga bang aasahan ko? He's with the woman he loves the most and as usual, out of the picture na ako.

"Wala, Duke. Gusto ko ng magpahinga. Umuwi ka na. Salamat ha?" Nakangiting sabi ko sakaniya kahit pa deep inside ay mamamatay na ako sa sobrang sakit.

Nakatingin lang siya sakin at hindi na nagkomento pa. Tumalikod ako sakaniya at umakyat na ako sa kwarto ko dito sa bahay ng parents ko. Simula ng malaman kong buntis nga ako ay hindi na ako umuwi sa condo ko at dito na nga ako nagpahatid sa mga kaibigan ko. Wala ang parents ko at may inaasikaso sa Singapore at sabi ng mga ito ay dalawang linggo pa sila don which is in favor of me, kasi wala pa akong lakas loob na sabihing magkaka-apo na sila.

In-ilock ko ang pintuan ng kwarto ko at humiga sa kama ko. Pinatong ko sa puson ko ang dalawang kamay ko at nakipagtitigan lang sa kisame. Ang daming pumapasok sa isip ko at pati na din ang nararamdaman ko ay hindi ko na maintindihan.

Yes, masaya ako kasi magkakababy na ako. Wala namang babaeng hindi pinangarap na magkaroon ng anak lalo na't sa lalaking mahal mo pa. Pero nandon ang takot at kaba sa puso ko. Takot na baka di ako maging mabuting ina at kaba dahil alam ko sa sarili kong magisa kong palalakihin ang anak ko.

Ayokong maging selfish. My baby deserves a father. Pero ayokong masaktan ang anak ko. Iniisip ko palang na tatanggihan ni Phil ang baby ko ay nasasaktan na ako. Isa pa, baka maayos na sila ni Martha kaya wala na kaming lugar ng anak ko sa buhay niya.

Muling nagbagsakan ang luha kong kanina ko pa pinipigilan habang kaharap ko si Duke. Oo si Duke nga. Kung hindi si Kady ang nagasikaso sakin ay si Duke naman. Lagi siyang nandito sa bahay, sinasamahan ako, kinukwentuhan ng kung ano-ano at inaalagaan. Hindi niya ako iniiwan kahit pa sinusungitan ko siya. Mabait si Duke at hindi ako nagsising nagustuhan ko siya, ang pinagsisisihan ko na lang ay sana siya na lang talaga ang minahal ko at hindi na si Philip.

Pinunasan ko ang luha ko ng marinig ko ang pagkatok sa pintuan ko. Inayos ko ang sarili ko ng marinig ko ang boses ni Kady. Hindi niya pwedeng malaman na umiiyak na naman ako at sure akong magagalit na naman siya sakin. Pero hindi ko mapigilan e, masakit kasi talaga. Pero para sa baby ko, kailangan kong lakasan ang loob ko.

"Bakit?" Tanong ko sakaniya ng mabuksan ko ang pinto.

Puno ng pagtataka ang muka ko ng dali-dali siyang pumasok sa loob at sinarado ang pinto. Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya ako paupo sa kama ko habang siya naman ay palakad-lakad sa harap ko.

"Ano ba? Sumasakit ang ulo ko sayo." Sabi ko sakaniya.

Tumigil din naman siya pero bakas sa muka niya ang takot sa hindi ko malamang dahilan.

Fall For Me I MTMA SideStoryWhere stories live. Discover now