Georgette Phyllis

1K 16 2
                                    

"Nanay, ayos lang ba na manligaw ang babae sa lalaki?" Tanong ng anim na taong gulang na si George sa kaniyang ina.

Nilingon naman siya ng Nanay niya at hindi nito maiwasang pamulaanan ng pisngi dahil sa tinanong ng anak. Nakita ni George 'yon kaya napangiti na lang siya sa inasta ng kaniyang Nanay.

Lagi niya kasing nakikitang namumula ang muka ng Nanay niya lalo na kapag nilalambing ito ng Tatay niya. Kung hindi yuyuko ay hahampasin nito ang Tatay niya sa may braso.

Araw-araw ganon ang nakikita niya sa bahay nila. Kahit pa anim na taong gulang pa lang siya ay alam niya kung bakit masaya at namumula ang Nanay niya sa tuwing hahalikan ito ng Tatay niya sa labi. Because they are in love.

And someday, magiging ganon din siya. Gusto niya ding ma-inlove. Gusto niya ding kiligin gaya ng Nanay niya. Gusto niyang magkaroon ng malambing at mapagmahal na asawa gaya ng Tatay niya.

"Ano ka ba naman be. Hindi siya talaga pwede. Dapat mga lalaki lang ang mag-cocourt sa mga girls. Pero wag kang maingay ha?" Lumapit ang Nanay niya sakaniya at kinalong siya nito. "Si Nanay kasi ang nag-court kay Tatay." Humagikhik pa ito na parang tuwang tuwa sa ginawa. Nakitawa na lang din si George sa ina kahit hindi niya pa 'yon masyadong naiintindihan.

"Talaga po Nanay? So it means, pwede ko din pong i-court si Yvan?" Nakangiting paalam niya sa Mommy niya na nakapagpalabas sa biloy nito.

"No baby. Lagot tayo kay Tatay pag nalaman niya yan. Gusto mo bang magalit sayo si Tatay mo ha?" Malumanay na tanong ng Nanay niya sakaniya at agad naman siyang umiling. Ayaw niya. Ayaw niyang magalit sakaniya ang Tatay niya. Love niya ang Tatay niya at gusto niya lagi itong happy dahil sakaniya.

"Osige po, hindi ko na po liligawan si Yvan." Kahit malungkot dahil sa hindi na niya pwedeng ligawan ang gwapong batang nakatira sa tapat ng bahay nila ay nagawa pa din niyang ngumiti at yakapin ang Tatay niya ng sobrang higpit.

"Very good, be. Pero gwapo naman talaga ang Yvan na iyon ano? Manang mana ka talaga sa Nanay mo. Galing ng taste mo." Natatawang sabi pa ng ina sabay halik sa magkabilang pisngi niya. "Yaan mo, kapag big girl ka na at tapos ka ng mag-school ay pwedeng pwede mo ng i-court si Yvan. Ihehelp ka pa ni Nanay." Dagdag pa nito sabay hagikhik.

George even laughed to her Nanay's joke. Kaya love na love niya ang Nanay niya e. Lagi itong masaya at full of energy. And she wants to be like her Nanay someday.

"So pwede ko na pong ikiss si Yvan pag naging boyfriend ko na siya?" Walang ka-muang muang na tanong ni George sa ina.

Nanlaki naman ang mga mata ni Gianne pero natawa na lang din sa kadaldalan ng nagiisang anak.

Manang mana sa pinagmanahan.

"Oo naman be. Pwede mong ikiss si Yvan." Sabi ng ina sabay tawa. Nakitawa na lang din ang batang George sa Mommy niya.

"GIANNE!" Natigil silang dalawa sa pagtawa atsaka nilingon ang tumawag sa pangalan ng ina. And it was her Tatay. Kunot na kunot ang noo nito at halatang galit.

Agad siyang bumaba sa pagkakalong sa Tatay niya at nagtatakbo palapit sa ama niyang mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo. Tumayo na din ang Nanay niya at agad na lumapit sakanila sabay halik sa labi ng Tatay niya na siyang kinangiti ni George.

"Ano ba naman yang tinuturo mo sa anak mo?" Tanong ng ama niya atsaka siya binuhat nito.

Napangiti na lang ang Nanay niya bago inangkla ang braso sa braso ng ama. "Eh kasi naman. Wala namang masama, sabi ko naman pag big girl na siya atsaka siya pwedeng mag-boyfriend." Malambing ang tinig ng Nanay niya.

Her Nanay winked at her kaya di niya maiwasang mapangiti.

Napailing na lang ang ama niya at bumuga ng hangin. "Hindi pa talaga pwede magboyfriend tong si George hangga't hindi pa siya 40." Seryosong sabi ng ama na siyang kinatawa naman ng Nanay niya.

"Ano ba naman yan babe! Masyado ka naman!" Nakanguso na sabi ng Nanay niya atsaka inirapan ang Ama. "Yaan mo be. Akong bahala sayo. Magiging boyfriend mo din yang si Yvan."

Natawa na lang ang batang George sa tinuran ng ina habang napailing na lang ang Tatay niya pero natawa na lang din sa pagiging childish ng asawa.

Kasalukuyan silang nagtatawanan ng biglang bumukas ang pintuan ng bahay nila at iniluwa nito si Aling Stella na may dalang isang tupperware at sa likod nito ay ang batang kanina lang ay pinaguusapan nila.

"Yvan!" Agad na nagpababa si George sa Tatay niya at mabilis na tumakbo para lapitan si Yvan.

"Hi Geo. Tara laro tayo." Yaya ng batang lalaki.

Agad namang tumango si George dito at agad na hinawakan ang kamay ng batang gusto niyang maging boyfriend.

Hindi naman nagreklamo si Yvan at hinawakan din ang kamay ni George ng sobrang higpit at sabay silang naglakad papunta sa park ng subdivision nila.

Naiwan namang nakatulala ang ama ni George na si Philip habang tawa ng tawa ang ina nitong si Gianne.

"Sorry baby. Mukang sakin nagmana ang bebe girl natin." Humagikhik pa si Gianne habang si Philip naman ay napailing na lang.

Looks like another love story will start to bloom.

---

George and Yvan's love story is in Cupid Series together with other pogitas' babies. Thanks again loves! God bless us all! 😊😍😘

Fall For Me I MTMA SideStoryWhere stories live. Discover now