Chapter 7

689 12 1
                                    

Walang umiimik saming dalawa ni Philip habang nabyahe kami pauwi. Siya ay nakatutok sa kalsada at nagmamaneho samantalang ako naman ay nasa passenger's seat at nakadungaw lang sa bintana na para bang iyon na ang pinaka-magandang bagay na nakita ko sa buong buhay ko.

I want to joke at myself para naman maging magaan ang pakiramdam ko ngayon. Hindi kasi ako sanay ng ganitong nageemote ako habang nakasakay sa kotse na kulang na lang ay tugtog para magmukang music video na. Pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya. My heart is bleeding and I can't help but to cry instead of laughing and joking around.

Ganito pala ang magmahal. Masasaktan at masasaktan ka talaga. Kumbaga, magkakambal na pala talaga ang dalawang salitang 'yon. Ayokong maging bitter, pero mukang magkaiba lang sila ng salita, magkaiba lang ng spelling pero magkaparehas lang pala ng meaning.

And I hate it!

Huminga ako ng malalim atsaka tumikhim. "Do you still love... her? Martha?" I asked out of nowhere. May nagtutulak saking tanungin na siya ngayon din kasi kung hindi pa ay baka mas lalo lang akong masaktan. Ayoko, ayoko ng ganito.

Yes, I do like him so much. And I think mahal ko na nga siya e. At ayoko, natatakot akong masaktan.

Hindi siya nagsalita at akala ko ay hanggang makarating na kami sa condo namin ay hindi na talaga siya sasagot sa tinanong ko.

Kaya laking gulat ko ng makababa kami ng kotse ay basta na lang niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palapit sakaniya. And he hug me. He hugged me so tight na para bang natatakot din siyang mawala ako sakaniya.

"P-hil." I called his name beneath my breath. Grabe, yakap pa lang to pero parang kakapusin na ako ng hininga.

"Stay still." He whispered. And I do what he said. Nanatili lang akong nakatayo habang yakap yakap niya ako at sinuklian ko din naman iyon ng yakap. Aba syempre, aaarte pa ba ako?

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago ako ilayo sakaniya pero nanatiling hawak niya ang mga kamay ko. He looked at me and smiled a little.

"I'm sorry Gianne. Patawarin mo ako. I can't lie to you and I don't want to. Ayokong masaktan ka, ayokong saktan ka. But yes, I do still love her. Mahal na mahal ko pa din siya at sa mga nakalipas na panahon ay siya pa din ang laman ng puso ko." I closed my eyes para pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. "I came to see her. Pinuntahan ko siya para kamustahin at mayakap ulit. I missed her so much at sobrang sakit dahil alam kong galit siya sakin. I deceived her. Pinaniwala ko siyang asawa niya ako at anak namin sina Jace at Macy. Pero ano bang magagawa ko? Nagmahal lang naman ako. Pero masama pala talaga ang magmahal ng sobra."

"Mali ang way ng pagpapakita ko ng pagmamahal sakaniya. Kinalimutan ko lahat ng prinsipyo ko sa buhay, makuha ko lang siya. Nakulong ako, nasaktan ako pero higit siyang nasaktan. And I hated myself for doing that. Pinangako kong habang nabubuhay ko ay hindi masasaktan si Martha pero ako pala tong nakakasakit sakaniya. So I hated myself even more."

Tumingala siya at sinalubong ang mga mata ko. He smiled again na nakapagpatibok ng mabilis sa puso ko. "Pero ng nakita ko siya kanina, don ko nasagot lahat ng tanong ko sa loob ng nakalipas na tatlong taong nakulong ako. Pinamuka niya sakin na wala na talagang pagasa sakin, that we're not really meant to be. Kasi si Villafuente talaga ang lalaking nararapat para sakaniya. And you know what? Yes, nasaktan ako sa sinabi niyang 'yon pero mabilis ko siyang natanggap. Mabilis kong naunawan ang mga sinabi niya. Para bang nagising ako sa isang panaginip at nauntog ang ulo ko para matauhan."

Mas lumapad ang ngiti niya at mas lalong hinigpitan ang yakap ko.

"And because of that, now I finally know kung kanino ba talaga ako nararapat. Dahil don, nagising ako sa katotohanan na wala ng Martha at Philip, kasi nandyan ka naman. Nandyan ka naman para sakin." Napasinghap ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko. Napatakip na lang ako ng bibig at walang makuhang salitang gustong makawala sa bibig ko. Ohhh Emmm Geee!

Fall For Me I MTMA SideStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon