Chapter 10 (Part 1)

681 11 0
                                    

Tinapon ko sa kung saan ang bag ko at pabagsak na humiga sa kama ko nang makarating ako sa condo ko. Hinayaan ko na lang na tumulo ng tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilang magbagsakan. Sa kotse pa lang ay gusto ko ng magwala sa sobrang sakit na nararamdaman ko kaya nga hanga din ako sa sarili ko kasi nagawa kong magpigil.

Masakit. Hindi ako makapaniwala. Ginago niya ako. Niloko.

"Ang sakit. Ang sakit sakit na." Sinubsob ko ang muka ko sa unan at patuloy lang ako sa pagiyak na para bang wala ng bukas. This is my first time crying over a man. I can't believe na kung sino pang first love ko, siya din pala ang magiging first heartbreak ko.

Kung alam ko lang sana hindi ko na siyang nilandi. Kung alam ko lang sana hindi ko na lang siya minahal. I hate to say this pero nagsisisi akong nakilala ko pa siya at minahal ko ang tulad niya.

I hate him! I hate him so much!

Muling bumalik sa isip ko ang litratong nakita ko kani-kanina lang na gusto ko na sanang kalimutan.

Pagkatapos na pagkatapos palang ng last class namin ay umalis na ako. Nauna na akong umuwi kay Kady at nagpaalam na sumama ang pakiramdam ko. Humingi din ako ng sorry kay Duke kasi nga hindi ako makakapunta sa anniversary party ng parents niya mamayang gabi. Nalungkot siya at mukang disappointed sa pagbawi ko sa invitation niya pero naintindihan naman niya lalo na ng sabihin kong masama ang pakiramdam ko, although hindi naman talaga. He even asked me kung pwede daw niya akong ihatid sa unit ko pero magalang akong tumanggi. And again, he understand.

While I was driving home, bigla na lang pumasok sa isip ko ang halo-halo na madaming madaming leche flan sa ibabaw with chocolate syrup. Parang kumalam ang sikmura ko at gustuhin ko mang wag na lang pansinin ang weird na pagkaing naisip ko ay wala na akong nagawa kundi ang magmaneho papunta sa isang restaurant na nagseserve ng iba't ibang klase ng halo-halo.

Para ngang nagkaroon ng sariling isip ang tyan ko at mga kamay ko kaya nandito na ako sa restaurant at naglalaway na dahil sa daming picture ng halo-halo sa harapan ko.

"Please yung madaming madaming leche flan, Kuya at madami ding chocolate syrup. Please. Dadagdagan ko na lang ang bayad ko." Kahit nagtataka ay umoo na lang ang waiter sa sinabi ko. Siguro dahil sa dagdag bayad? O dahil sa cute kong ngiti. Ay ewan! Pero talaga namang ang weird talaga ng request ko e. Aba, ewan ko ba naman dito sa tyan ko.

Habang nagaantay naman ako sa inorder ko ay nagbukas muna ako ng Facebook account ko to check if my message na ba si Philip sakin pero bagsak ang balikat ko na wala ni kahit anong paramdam from Philip Young akong natanggap. Muka talagang nakalimutan na niya ako.

Muli ay nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at nag-browse na lang sa news feed ko bilang libangan. Like like like. Nang wala ng interesante ay nagdecide na akong mag-log out na lang. Pero nanlaki ang mata ko ng makitang may nag-tag ng picture sa Facebook ni Philip.

I opened it right away and it was a stolen shot of him and a familiar girl, a very familiar one. Nakatalikod ang babae habang nakaside view naman si Philip sa camera habang nakapokus ang mga mata nito sa babaeng katabi. I clicked the picture and zoomed it at parang may kung anong pumiga sa puso ko ng makitang si Martha pala talaga ang kasama ni Philip dito at hindi ako namamalikmata. Oo nga't isang beses ko palang siya nakikita pero hindi ako pwedeng magkamali. Siya talaga to. Nakaakbay si Philip kay Martha at mukang may binubulong si Philip dito. Kung ano man 'yon ay wala akong idea. And I even saw that the girl smiled at him na para bang nakakatawa ang sinabi nito.

I was shocked and broken at the moment. Parang may kung anong dumagan sa dibdib ko at hindi ako makahinga. I can't believe this.

Diba may asawa na si Martha? Diba nga ayaw nito kay Philip? Diba nga si Martha ang nagpakulong sa lalaki ng tatlong taon? Diba nga naiinis si Martha sa boyfriend ko?

Fall For Me I MTMA SideStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon