Chapter 4

710 16 0
                                    

OPERATION: Make Philip fall for me 101 starts now.

Isinulat ko 'yan sa notebook ko with bold letters para kitang kita ko siya. Parang diet list ko lang yan o di kaya calendar of activities na dapat kong sundin. At ngayong araw ko na nga to uumpisahang gawin.

Wala akong pakialam kung ano ang maging tingin sakin ng mga tao sa paligid namin, kung maging malandi ba ako o sadyang desperada na. Pero masaya ako sa gagawin ko at alam kong hindi lang ako ang makakapag-benefit sa operation na to, maging si Phil din.

Nagka-bf na ako, nakamove pa siya kay Martha. Oh diba? Ang genius ko talaga, OMG! Haha.

Lumabas ako ng CR ng matapos akong maligo. Suot lang ang roba ko ay para akong Victoria Secret model kung rumampa. How I wish nandito si Phil para masimulan ko na ang katalandiang tinataglay ko. Haha. Humanda lang talaga sakin 'yon, rawr! Bwa-ha-ha!

Pagkatapos na pagkatapos kong isuot ang heels ko ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng unit. May pasok ako ngayon while nasa business meeting naman si Philip. Yes, alam ko 'yon dahil kausap ko siya kagabi. I asked him, at wala naman kaabog-abog na sumagot siya.

And super saya ko non! Feeling ko may something na talaga kaming dalawa.

Teka, speaking of something. I remembered what happened last 2 days ago ng maabutan kami nina Mom at Dad na magkayakapan. I thought, they will get mad at me. But I was wrong. Ngumiti pa ang Daddy ko saming dalawa. Para bang masaya pa siyang makita ang only daughter niyang may kayakap na lalaki. At mukang wala pa man ay boto na agad sila kay Philip for me, lalong lalo na si Mommy.

And I love it. Super!

That's why I came up to this operation para totohanin na ang pangaasar samin nina Mom at Dad. Tototohanin ko ng maging girlfriend niya ako. Yeah.

Bago ako sumakay sa kotse ko ay tinext ko pa si Philip.

Good morning Phil. :)

Grabe, gusto kong pusuan pero nahihiya ako. Oo naman, may hiya pa akong konti. As in super katiting na lang at pakiramdam ko ay bukas makalawa ay tuluyan ng mawawala 'yon. Haha.

Nakangiti pa rin ako ng ilagay ko sa bag ko ang phone ko. Hindi ko na inintay ang reply niya at nagsimula na akong magmaneho. Para na nga akong tanga na ngiting ngiti habang nagdadrive. Halos mapunit na nga ang labi ko sa sobrang lapad ng ngiti ko. Pero kiber ko ba? Eh super duper mega happy naman talaga ako. Haha.

After 30 minutes, nakarating na din ako sa school. Pinark ko lang ang sasakyan ko sa favorite parking space ko atsaka kinuha ang mga gamit sa backseat bago naglakad papasok sa loob ng building ng department namin.

Para pa akong modelong naglalakad sa runway, sa sobrang ngiti. Sorry na. Kinikilig kasi talaga ako! Haha.

Chin up, chest out, stomach in. Ganyan ang peg ko ng makarating ako sa tapat ng room namin. Super ganda talaga ng mood ko ngayong araw at mahahalikan ko talaga si Philip dahil dito. 

Pwera, seryoso. Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganitong urge pagdating sa pakikipagrelasyon. Alam kong malandi lang ako pero di ba nga NBSB ang peg ko? Kaya first time lang sakin ang ganitong pakiramdam and I'm starting to love it. Kaya pupush ko talaga ang operation na to!

Pagpasok ko sa room ay pinagtinginan na ako ng mga classmates ko. I smiled at them, yung sobrang gandang ngiti ko. Mukang nagulat pa nga sila kasi hindi naman ako ganito sakanila. Yes, mabait ako, friendly or whatsoever pero hindi ako ganitong baliw na basta basta na lang ngingit at super lapad pa.

Eh baliw ka naman na talaga e. Baliw kay Philip.

Gusto kong palakpakan ang isang bahagi ng isip ko. Nakuha niya kasi e. Totoong baliw na nga ako kay Philip. Haha.

Fall For Me I MTMA SideStoryWhere stories live. Discover now