Prologue

1.4K 19 2
                                    

Philip Renier Young's story.

This is a work of fiction. The names, characters, places and events are just the results of Author's imagination. Any resemblance to any person, living or dead and actual events are purely coincidental.

---

Titig na titig si Gianne sa kapirasong papel na nakapatong sa table niya. Kanina pa niya ito minememorize pero mag-iisang oras na at hindi pa din niya matandaan. Mabuti pa sana kung isang buong kanta na lang ang pina-home work sakanila ng adviser nila o di kaya mag-aral ng bagong instrumento since Bachelor of Music naman ang kurso niya.

Pero ang mag-memorize ng history and culture ng Music ay medyo nakakasakit na ng ulo. Hindi siya ganon katalino pero kung sa pagalingan lang naman sa pag-kanta at pag-play ng mga instrumento ay masasabi niyang top 1 siya.

"Hindi ko na talaga maintindihan si Mrs. Manza. Ang sakit sa bangs!" Basta na lang niya tinakluban ng notebook ang papel na kailangang i-recite bukas at pabagsak siyang humiga sa malambot niyang kama.

Nakipagtitigan siya sa kisame ng kwarto niya na para bang iyon na ang pinaka-mahalagang bagay sa buong buhay niya.

Malapit na siyang ma-inlove sa kisame niya ng makarinig siya ng ingay na nanggagaling sa labas ng unit niya. Kahit naka-cotton shorts at white sando lang siya ay nagawa pa din niyang lumabas para silipin kung anong nangyayari sa labas.

Bukod sa pagiging talented niya sa music ay talented din siya sa pagiging chismosa. Lahat ata ng kapit-bahay niya sa floor na 'yon ay ka-close na niya. Sabi pa nga ng best friend niyang si Kady ay pwede na siyang tumakbo bilang kagawad.

Pagkabukas niya ng pintuan ay bumungad sakaniya ang tatlong lalaking may bitbit na mga kahon. Parehas naka-kulay green na polo shirt ang dalawang lalaki samantalang fitted shirt na color gray naman ang suot ng isa pa. Busy ang tatlo sa ginagawang pag-lipat kaya malayang nakakapanood si Gianne sa mga ito.

"Omy! Ang gwapo pala ng magiging new neighborhood ko." Bulong niya na sinamahan pa niya ng kaunting tili. Isa din sa talent ni Gianne ang pagiging malandi. Pero no boyfriend since birth ang peg ng babaeng ito. Kahit kasi madami siyang crush ay medyo may pagka-choosy pa din siya pagdating sa pakikipag-boyfriend. Gusto niya kasi sa isang lalaki ay katulad niyang magaling kumanta at mahilig sa musika. But as of now, puro sintunado lahat ng crush niya.

Pero ang new neighborhood niya ay may kakaibang karisma. Mukang naniniwala na siya sa 'love at first sight'. Kasi iyon mismo ang naramdaman niya sa lalaki.

Mahina niyang tinapik ang magkabilang pisngi niya bago muling sumilip sa pintuan. Pero ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng makitang nakatingin na sakaniya ang lalaking naka-kulay gray na t-shirt.

"Hi. I'm Philip. Bagong lipat lang ako dito. Ikaw?"

Walang salitang lumabas sa bibig niya at kahit ang mga organs niya ay nagkakagulo na din sa loob ng katawan niya lalo na't ngumiti pa ang lalaking 'Philip' ang ngalan. Hindi ganon ka-gwapo ang lalaki compare sa super duper mega crush niya sa school. Pero ang lalaking kaharap niya ay may kakaibang awra na hindi niya maipaliwanag kung ano. Para bang nag-cast ito ng spell para mapasunod siya sa lahat ng gusto nito at kasama don ang pagkakagusto niya sa lalaki.

"I'm Gi-anne." Pakilala niya.

"Pardon?" Naku lumapit pa talaga ang lalaki sakaniya. Baka kapag di siya makapag-pigil ay masunggaban na niya ang halik ang gwapong kapit-bahay.

Pero hindi siya ganon ka-cheap para gawin 'yon. Muka lang siyang 'baliw' pero hindi niya masyadong ina-apply 'yon sa self niya. Medyo may pagka-Maria Clara pa kasi siya, as in medyong medyo lang. So imbis na halikan ang lalaking gwapo ay nginitian na lamang niya ito ng sobrang tamis at tinaas ang kamay para makipag-shake hands. "Gianne. Gianne Kang." Confident na pagpapakilala niya sa lalaki.

"Wow. What a nice name." Di niya alam kung bulong lang ba 'yon o dahil sa bagong linis ang tenga niya kaya dinig na dinig niya ang sinabi ng binata? Pero teka- binata pa nga ba ang kausap niya? O may anak ito o asawa?

Naku! Sana naman po wala!

"Single ka pa ba?" Biglang tanong niya. Kita niya ang gulat na rumehistro sa muka ng gwapong kapit-bahay pagkuwa'y ngumiti ito at panay ang iling. Parang nabuhay naman ang puso ni Gianne at isasama na niya ang atay niya, balun-balunan at pati ang bato niya.

"Yes, single ako. But my heart is already taken." Parang wala lang na sabi ng lalaki. Pero ang nabuhay niyang puso at internal organs ay muling namatay. RIP heart and organs. "At kaya ako bumalik para bawiin siya sakin. Sakin lang si Martha. Sakin lang."

Nagtaasan lahat ng mga dapat magtaasan kay Gianne dahil sa sinabi ng lalaki. Medyo creepy lang ang dating sakaniya kaya nagtataka siya kung bakit hindi man lang siya natakot sa lalaking kaharap. Parang mas lalo pang umusbong ang pagka-crush niya sa lalaki. At mukang napalitan na ang ideal boyfriend niya. Parang gusto na niya ng lalaking matangkad, may malamlam na mga mata, may matangos na ilong at hindi alam ang salitang 'suko'.

In short si Philip mismo ang ideal boyfriend niya.

Pero ang tanong, kaya niya kayang makuha ang pagmamahal ng lalaking kapit-bahay sa sinasabi nitong Martha? Gamitan kaya niya ng gayuma? O di kaya kulamin niya? Ah alam na niya. She will make Philip to fall for her no matter what happens.

---

Bagong story na naman? Opo, bagong story na naman. Huhu. Mahilig po sa on-going stories si Author. Whaha. Pero seryoso nang makita ko kasi ang mga drafts ko ay ngayon ko lang napansin na may naka-ready na pala akong story para sa pambansang kontrabida sa unang kwento ko. Dahil mabait naman ako at di ko kagaya si Philip kaya may kwento siya. Syempre naman!

So yung mga galit na galit kay Phil pagkakataon niyo na. Whaha. Wag lang sana kayo mag-change of heart ha? Jake pa din tayo! Whahahaha. Ang update po neto ay di ako sigurado pero matapos ko lang ang pag-eedit ng isa kong story ay mag-UD na ako ng chapter. Okay? Hehe. Salamat ng marami. ♥

---

Fall For Me I MTMA SideStoryWhere stories live. Discover now