Chapter 2

723 18 3
                                    

Paglabas ko ng building ng condo namin ay hinanap ko agad si Philip. Palinga-linga ako sa paligid at mawawalan na sana ako ng pagasa ng may isang itim na kotseng pumarada sa harap ko. Ibinaba nito ang bintana at nakangiting si Philip ang bumungad sakin.

Oh God! Mukang aatakihin ako nito sa puso. Philip beybe, wag ka ngang ganyan! Hihihi!

"Sorry Gianne, bawal palang mag-U-turn dito kaya umikot pa ako. Sorry for waiting. Halika sakay ka na." Tumango ako sakaniya at agad na sumakay sa passenger's seat. Ikakabit ko na sana ang seat belt sa katawan ko ng lumapit si Philip sakin at siya na ang nagkabit nito.

Matagal kong pinagmasdan ang muka niya at mukang wala lang sakaniya ang ginagawa niya. Pero sakin. Jusko, mukang katapusan ko na sa mundong ibabaw!

Hangin! Please, kailangan ko po ng hangin!

Parang mamamatay na ako sa sobrang kilig. Philip, pwede ba?! Wag ka ngang ganyan. I heyt chu!

"Let's go. Since, bago pa lang ako dito. Ikaw na lang ang magsabi sakin kung anong gusto mong kainin." Tanong niya sakin pero ang mga mata niya ay nakatingin sa unahan.

"Pwede bang ikaw na lang?" Mahina kong sabi habang titig na titig sa maamo niyang muka.

"What?" Kunot-noo siyang lumingon sakin. Agad naman akong umiling at tumawa ng parang baliw lang. Na sinamahan ko pa ng mahinang paghampas sa braso niya. Aba, syempre. Chansing-chansing din mga bes pag may time. Haha!

"Hehe. Sabi ko, pwedeng ikaw na lang ang mamili kung saan mo gusto. Sabihin mo kung ano bang mga hilig mong pagkain. Oo, iyon nga. Iyon nga ang sabi ko." Ay shit ka Gianne! Muntik ka na! Ipapahamak mo ba ang kagandahan mo? That's a big no no! Masisira ang future mong bruha ka sa ginagawa mo! Baliw!

"No, kung anong gusto mong kainin, don tayo. I can manage, hindi naman ako pihikan sa pagkain." Natatawang sagot niya. Gusto ko pa sanang magreklamo at kulitin na siya na ang bahala pero wala na akong nagawa. Hahaba lang ang usapan naming to at baka hindi pa matuloy ang inaasam-asam kong date.

"Sige, Jollibee na lang tayo. Ayos lang ba?" Lakas loob kong tanong. Di ko alam pero nag-crave ang sexy kong tyan sa spaghetti ng Jollibee.

Takang nilingon niya ako at mukang hindi siya makapaniwala na ang isang Diyosang tulad ko ay yayayain siyang kumain sa isang fast food chain. Pero bakit ba? Ang sarap kaya ng spaghetti at sundae nila don? Yum, yum, yum. "Hmm, okay. Jollibee it is." Para naman akong bata na nagpapalakpak pa. Muka lang akong ewan. Ene be yen, major turn off!

Nagsimula na siyang magmaneho at ako lang ang dakdak ng dakdak. Mukang bihira lang talaga siyang magsalita and I find him really mysterious. Pero walang inuurungan ang isang Gianne Kang, lahat ng gusto ko dapat makuha ko.

"Nasan ang family mo?" Tanong ko sakaniya.

"Wala na. Namatay na ang parents ko, matagal na at wala naman akong kapatid." Parang wala lang na sagot niya. Tango lang naman ako ng tango bago ulit nagisip ng pang-question and answer portion. Syempre, kailangan kong kilalanin ang future husband ko, 'no? Mahirap na baka ex-convict pala to, or bad guy. Hihihi, syempre joke lang 'yon! Tong mukang to? Ex-convict? Imposible!

"Ah ganon ba? Ako kasi bumukod na ako sa Mama at Papa ko. 4 years na akong nakatira dyan sa unit ko. Regalo kasi sakin ng parents ko nung grumaduate ako ng high school. Malapit kasi sa university na pinapasukan ko." Kwento ko sakaniya kahit hindi naman niya tinatanong. Pabida ako e, bakit ba? Haha. "Ilan taon ka na pala?"

"29." Tipid na sagot niya. Napanguso na lang ako. Pambihira! Mukang boring na siya sa getting to know each other 'kuno' ko. Nakakainis! Ah basta, kukulitin ko pa din siya!

Fall For Me I MTMA SideStoryWhere stories live. Discover now