Epilogue

1.1K 23 0
                                    

Yehey!!! Epilogue na. :D Thank you sa mga nakaabot dito. God bless loves! ♥

-

3 YEARS LATER...

Are you listening to my heart?
Are you looking at my tears?
Only one in the world, just one
I need it to be you

Tinignan ko ang mga audience na nakikisabay sa pagkanta ko. I can't help but to smile seeing this many people loves me so much sa kabila ng mga kakulangan ko at pagkakamali ko. Still, they chose to stayed by my side and support me all the way.

And I'm happy. Very much happy. After all the pain and problems that I've been through, this is it. Nakuha ko na ang matagal ko ng pinapangarap. Ang umawit sa harap ng madaming tao at ilabas sa buong mundo kung ano ang nilalaman ng puso ko. And I'm very thankful sa mga taong walang sawang sumusuporta sakin at patuloy akong minamahal.

Why do you keep running away from me?
Why do you keep getting far from me?
Stay by my side, hold my hand
If you love me

I closed my eyes at hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan. Ang mga nangyari sa mga nakalipas na tatlong taon. At ang taong naging dahilan kung bakit ko nakuha ang matagal ko ng pinapangarap at nandito ako ngayon sa napakalaking entabladong 'to.

You drive me crazy
You make me cry
You're close as if I can catch you
But when I do, you get far away like the wind

Tatlong taon na pala ang nakakalipas simula ng umalis ako sa condo unit na 'yon, umalis ako sa Pinas at umalis ako sa buhay ni Philip ng tuluyan. Wala na akong balita pa sakaniya at kahit gustuhin ko mang makita siya ulit at kamustahin ay wala akong lakas ng loob para gawin iyon.

I still remembered everything that happened for the past 3 years. Yung panahon na tanga pa ako sa pagibig, yung panahon na binigay ko sa isang tao ang buong pagmamahal ko pero sasaktan lang pala ako, yung panahon na nakilala at nakasama ko ang isang Philip Renier Young.

Si Philip.

My first, first kiss, first hug and my first love. He's my first of everything and I hate to admit it but I know that I still love him at wala man lang nagbago sa nararamdaman ko para sakaniya.

Love is what I do alone
Love only leaves tears
A crappy, foolish love

Yes. Gaya ng kantang ako mismo ang sumulat. I am foolishly in love to the man that can never be mine. I'm stupid for falling in love sa lalaking hindi naman ako magagawang mahalin kahit kailan. And I hate it but I love him, I still love him so much. Shit!

Can I hug you just once?
Can I say my last goodbye?
Don't forget the loving memories,
the happy memories

Mapakla akong napangiti at inalis na lang sa isip ko ang imahe ng lalaking 'yon. Ng lalaking minahal ko, minamahal ko at alam kong mamahalin ko pa sa mga susunod na bukas. Wala na naman din kasing mababago e. Wala na kami at hindi ako ang pinili niya.

To be honest, gusto kong magalit sakaniya pero hindi ko magawa. Why? Because, even he broke my heart, he leave me with the greatest gift that I ever received. My daughter. Yes, sakin lang. Sakin lang ang anak ko, sakin lang si George. She's all that I have. At hindi ako makakapayag na pati siya ay mawala pa sakin.

You drive me crazy
You make me cry
You're close as if I can catch you
But when I do, you get far away like the wind

Minulat ko ang mga mata ko at tinignan ko ang mga taong nakapalibot sakin kung saan ako nagpeperform. Hindi ko na dapat pang isipin ang nakaraan at mas dapat kong pagtuunan ng pansin ang kasalukuyan. May mga bitbit silang mga banner kung saan nakasulat ang pangalan ko. Wala silang tigil sa pagsigaw ng pangalan ko.

Fall For Me I MTMA SideStoryWhere stories live. Discover now