Date Published: October 26, 2016
============================================================
Plug muna ulit ako guys.
Skyed Guns Online by ruthlessbreaker
Maganda po siya dahil kaparehas ng SAFO na VRMMOFPS basahin niyo na lang guys at suportahan niyo na lang din.
PS: ruthlessbreaker tol update na na bitin kasi ako hahaha xD.
Technoblade Online by ThunderNub
Maganda din ang isang to kaso nosebleed ako dito dahil English to pero maganda hahaha xD basta basahin niyo na lang.Zion Vortex Online by Xayluz
Maganda ang story na to guys at sigurado akong magugustuhan niyo to.
Hanggang jan na muna guys balik na tayo sa story.....
============================================================
Louie POV
Pagakapasok ko sa kwarto ay nagayos na ako para matulog at napansin ko na nasa kama ko pala yung black box kaya agad ko tong kinuha para buksan.
Ano kaya talaga ang laman ng box na to? Tanong ko sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay gumugulo parin sa isipan ko kung bakit binigay sakin nung lalaki ang box na to.
Bubuksan ko ba o hindi? Baka kasi kung bomba ang laman nito ma patay pa ako sa dis oras! Nagdadalawang isip talaga ako kung bubuksan ko ba to o hindi eh kasi pano kung bomba nga ang laman nito? Syempre mamatay ako tsaka pano na yung mga babaeng pumapasok lang sa school para makita ako? Diba kawawa naman nila? Tsk! Bahala na si batman basta bubuksan ko na to.
Inhale, Exhale haaaah! Kaya mo to louie matapang ka at palaban! It's now or never! Sinumulan ko nang buksan ang box pero dahan dahan lang hanggang sa....
Waaahhh! Natapon ko tuloy yung box kaya pati yun laman noon ay natapon din.
Para naman akong bading nito tsk! Nilapitan ko na yung box at pinulot at laking gulat ko kung ano ang laman nito dahil ang laman nito ay isang micro chip, flashdrive, dalawang card na kulay itim at kulay pula, at meron ding nakaipit na letter kaya binasa ko ito.
Dear Louie,
Alam ko na nagtataka ka kung sino ako? Ako ay isang scientist na nagtatrabaho dati sa lolo mo at alam ko rin na naguguluhan ka sa black box na to, ito lang ang sasabihin ko wag na wag mong iwawala o ibibigay sa iba ang flashdrive dahil maraming mahahalagang bagay ang nakapaloob dito at ibigay mo lang ito sa iyong lolo Felix pagbalik niya dito sa Pilipinas at nga pala yung micro chip na yun ay ilagay mo sa ilalim ng Cyber Watch mo dahil meron dung maliit na lalagyan ng chip na yan at importante rin pala ang chip na yan sa game pero di ko na sasabihin kong bakit dahil ikaw na ang bahalang tumuklas nito. Tungkol naman dun sa dalawang card, yung kulay pula na card ay nakalagay jan ang address at pangalan ng nagutos na barilin ako at yung kulay itim naman ay ang address ng taong makakatulong sayo sa game at isa din siyang taohan ng lolo mo.
PS: Wag mong sabihin sa iba ang tungkol sa box at sa liham na to.
PPSS: Tandaan mo ibigay mo lang kay lolo Felix mo yung flashdrive.
PPPSSS: Ilagay mo yung micro chip sa Cyber Watch mo tyak matutuwa ka kung ano ang epekto nito sa game at sa character mo.

YOU ARE READING
Dragon World Online: Rise Of The Dragon God
Science FictionHighest Rank in Science fiction- #1 - 12/16/16 Science Fiction | Fantasy | VRMMORPG | Adventure | Romance | Explore the lands of Rufflesia or journey through the Forgotten Realms in search of power and glory. Play as one of fifteen unique races e...