Chapter 44: Zarth Town

3.6K 157 4
                                    

Date Published: December 18, 2016

==================================================================

Louie POV

Pagkapasok ko sa game ay agad akong nagtanong kung saan matatagpuan ang St. Dominick Cathedral pero kahit sino dito sa Nazarath Kingdom ay hindi sumasagot sa tanong ko kaya na curious naman ako kung bakit di nila sinasagot ang tanong ko hanggang sa naalala ko na Demon Kingdom pala to at ang mga ganong simbahan ay nasa Human Kingdom kaya napagpasyahan kong pumunta sa D. Portal sa Zarth Town.

Ang Zarth Town ay matatagpuan sa border ng Demon Kingdom ito ang pinaka unang town ng mga demon at dito matatagpuan ang D. Portal na nagsisilbing lagusan papunta sa ibang Kaharian. Ang D. Portal ay binabantayan ng mga Devil Minions at ang D. Portal ay parang isang insekto dahil meron itong mga galamay pero isa itong bakal yung para bang Robot na gagamba basta ganon at nasa gitna ito ng Zarth Town.

Pupunta na sana ako sa Zarth Town ng bigla kong maalala na napakalayo pala to dito sa Main City ng Nazarath Kingdom kaya wala akong choice kundi gamitin yung mount na nakuha ko sa Gnoll Forest ang White Beast na isang legendary mount kaya nilabas ko na yung mount box at biglang lumabas ang VS ko kaya binasa ko yung nakalagay dun.

[Would you like to open the box?]

Yes No

Yan ang nakalagay sa VS kaya napagpasyahan kong pindutin ang Yes button dahil gusto kong makita kung anong ang itsura ng mount ko. Pagkapindot ko ng yes ay bigla na lang umilaw yun box at sa isang minuto lang ay niluwa na nito ang isang napakalaking puting lion at meron itong saddle sa likod at tsaka ang astig ng itsura nito dahil meron itong mga armor sa paa, at katawan at kulay ginto ito, meron din akong napansin sa ulohan nito na parang marka at ang itsura nito ay araw na kulay ginto rin, natigilan ako sa pagkahumaling ko sa mount ko ng biglang lumabas ulit ang VS ko.

[Congratulations you're now the new owner of ī๏กє The Legendary Mythical White Beast]

Napanganga na lang ako sa nabasa ko dahil hindi pala isa ordinaryong legendary mount to dahil isa din itong mythical mount natigilan lang ako nang biglang may nagsalita.

Heh! Ikaw pala ang bago kong master hmm mukang mahina ka lang ha! Wtf! Nagsasalita yung mount ko? At tinawag pa akong mahina? Pwes ipapakita ko sa kanya na deserving ako na maging master niya.

Hinanda ko na ang sarili ko dahil bigla na lang ito nagpakawala ng isang puting apoy at mabilis ito patungo sa pwesto ko pero mabilis ko lang ito naiwasan, susugod pa sana siya ng bigla akong nagcast ng skill.

Dark pit!! Cast ko at bigla na lang may lumapas na mga butong kadena at pumalopot sa kanya, kaya di na ako nag dalawang isip mag cast ulit ng skill.

Flame Vortex! Nagpaikot ikot ako dun at sa huli kong ikot ay pinakawalan ko na ang apoy sa buo kong katawan at mabilis itong rumagasa papunta sa kanya nang biglang.

Rooooaaaarrrrr!!!! Isang napakalakas na hangin ang tumama sa skill ko at sakin kaya tumilapon ako sa malayo.

Putek ang sakit nun! Tatayo na sana ako nang bigla niyang inapakan ang dibdib ko kaya napatingin ako sa dambulang puting lion na ito.

Malakas ka pala kaya from now on ako na ang magsisilbing sasakyan mo at companion mo sa mga laban pero alam ko na naghihintay din ang isang nilalang jan sa bag mo, naghihintay na lumabas at makasama ang dati niyang master. Huh? Di ko siya maiintindihan.

Anong ibig mong sabihin? Tanong ko dito.

Soon malalaman mo din kung ano ang tinutukoy ko master pero sa ngayon puntahan muna natin yang priest na yan. Curious talaga ako kung ano ang tinutukoy ni leo pero dibale malalaman ko din yan sa pagdating ng panahon.

Sumakay na ako sa likod ni leo at mabilis na pumunta sa Zarth Town.

==================================================================

Jayson POV

Yow mga dudes! Ako nga pla si Jayson Paul McKenzie, 16 years old at isang grade 10 student sa SJIHS. Ako ang dating Guild Master ng [¶H]WAR$ at isa di ako general ng The Trinity.

Ang the trinity ay isang samahan ng tatlong malalakas na guild sa larong Stellar Moon Online at ang samahan na yun ay pinamumunoan ng isang tao at ang taong ito ay walang iba kundi ang best friend kong si Lou.

Kami ang pinakamalakas na guild sa buong SMO hanggang sa nagpaalam samin si lou na di na daw siya lalaro kaya sobra kaming nalungkot dun kaya bawat guild wars ay palagi na kaming talo kaya yun nagsialisan na sa samahan ang ibang membro at kaming tatlo na lang nina Ned at Audrey ang natira. Makalipas na apat na taon ay nalaman namin na naglalaro ulit ng MMORPG si lou at ang larong ito ay ang paborito naming laro ngayon ang DWO kaya napagpasyahan naming tatlo na kausapin siya at ibalik ang dating samahan.

==================================================================

Siennead POV

Sup guys ako nga pala si Mark Siennead Gutenberg, 17 years old at grade 11 student sa SJIHS. Isa din akong Varsity ng basketball sa school namin.

Matagal na kaming magkaibigan ni chief mula pa yata nung grade 4 kami eh kamk na ang magkasama at palaging magkaklase kaya yun naging magbest friend hanggang sa dumating ang magkapatid na McKenzie.

Naging kaibigan namin ang dalawang yun dahil sa isang laro at ito ay ang SMO pero wala na ngayon ang game na yan, ewan ko kung bakit wala nang naglalaro nun pero ngayon may bago na naman kaming kina aadikan ito ang Dragon World Online o mas kilala sa tawag na DWO dahil kakaiba ito sa mga nilaro namin dahil ginagamitan ito ng Cyber Gear para makalaro. Ang Cyber Gear ay parang gaming console pero ang pinagkaiba lang dahil sinusuot mo ito.

Isa pala akong Draenei sa DWO at ang class ko naman ay swordmaster isang experto sa larangan ng swordmanship pero ang gamit ko ay isang napakalaking sword at ang pangalan nito ay Blade of Hydra isang Legendary Sword na nakuha ko sa isang quest.

==================================================================

Audrey POV

Hi guys! Audrey Jewel McKenzie pala ang name ko, 16 years old at nag-aaral sa SJIHS. Ako ang pinaka maganda at sexy na kapatid ni Jayson. Isa din akong gamer guys at mahilig ako sa mga MMORPG kaya nga nung nilabas na ang DWO ay di na ako nagdalawang isip kundi bumili ng Cyber Gear eh at ganun din si Jayson.

Sa larong DWO ang bumalik ang saya ko at nakilala ako dun bilang si Auvon, isa akong Elves sa larong yun at ang class ko naman ay Illusionist. Ang Illusionist ay pwede gumamit ng spear o pwede ding walang weapon pero kakaiba ako sa ibang Illusionist dahil sa nakuha kong Item at ito ang Chrome's Eye, ang Item na ito ay isang kulay pulang mata at bound item ito kaya ngayon kulay violet at pula ang kulang ng mata ko pero gumagamit ako ng eye patch para matago ang kapangyarihan ng Chrome's Eye.




Itutuloy...

==================================================================

Sana magustohan niyo ang chapter na to hahaha thanks ulit sa suporta niyo guys 😊

@CoolKidz11

©All Right Reserved 2016

Dragon World Online: Rise Of The Dragon GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon