Chapter 78: The Demon King

2.2K 78 49
                                    

Date Published: March 31, 2019

Bago tayo tumungo sa kuwento hayaan niyo po akong mag-bigay paumanhin sa lahat ng pagkukulang ko sainyo. Pasensya na po kayo kung ngayon lang po ako nakapag-update sa kadahilanang hectic po ang schedule ko sa school. Sana po maintindihan niyo po ako.

Maraming salamat po.

Wait plug muna pala tayo hahaha.

Follow niyo guys si @Avid-legate tsaka check niyo na rin ang mga story niya.

support all Filipino VRMMORPG writers! :)

============================================================

Louie's POV

"Tagal ko na din na hindi na gamit ang character kong ito." Saad ko sa sarili ko dahil sa sobrang pagkamiss sa main character ko na si Eiuol.

"Booooooooooom!!"

Bigla na lang ako nakarinig ng malakas na pagsabog kaya't mabalis kong hinanap kung saan ba galing ang pagsabog na yun. Sa ilang minutong paghahanap ko ay nakarating ako sa isang bangin at rinig na rinig ko ang lakas ng mga pagsabog at mukang nang galing ito sa kweba sa ibaba.

Baba na sana ako ng bigla mag lumitaw na dalawang babae sa harapan ko. Isang babae na may kulay pulang buhok at yung isa naman ay meron ng kulay itim na buhok.

"Master!" Saad nila habang naka kowtow sila.

"Alexa at Alexis tumayo kayo diyan tsaka sabi ko naman diba sainyo wag kayong gumanyan kasi 'di ako sanay eh" Hindi kasi ako sanay na may nagkowtow o luluhod sa harapan ko kasi ewan naiilang ako.

"Patawad Master hindi na po namin uulitin." Sagot nila at mabuti naman ay nagkakaitindihan kami kaya tumango na lang ako sa kanila.

"Master maron po kami nararamdamang kakaiba sa kuweba na iyon sa ibaba." Saad ni Alexa sakin kaya napa isip ako dahil katulad nila ay meron din akong nararamdamang kakaiba at para bang merong pamilyar na nilalang ang nasa loob ng kuweba na iyon.

"Alexa! Alexis! Samahan niyo akong pasukin ang kweba na iyon" Pagyaya ko sa kanila.

"Masusunod Master!"

Tumungo na nga kami sa loob ng kuweba na nasa ibaba. Ang kakaiba lang sa kuweba na ito ay para itong bungo at pagpasok mo palang sa kweba ay marami kanang makakasalubong na mga skeleton army pero wala namang problema yun samin dahil mabilis naman namin itong napapatay.

Nung nasa malapit na kami sa dulo ng kweba ay nakita ko ang isang pamliyar na lalaki at kung hindi ako nagkakamali siya ang pinsan ko dahil sa gamit nitong sandata at siya rin ang successor ni Death.

"Master mukang kailangan niya ng tulong." Saad ni Alexis sakin kung kaya't di na ako nag dalawang isip at mabilis na tumakbo papunta sa kanya at nag cast ng isang skill.

"Demon Shield Wing!"

Cast ko at mabilis na pinrotektahan si Reaper. Tumingin ako sa sa kanya at napansin kong lubos na purohan siya sa atake ng dalawang boss na kalaban niya.

"Tumayo kana diyan Reaper at ipakita mo kung gaano ka kalakas!" Saad ko sa kanya dahil alam ko na kapag ikaw ang naging successor ni Death ay magkakaroon ka ng passive skill na Ubending Will.

Ang Unbending Will ay isang passive skill na kada mabawasan ka ng HP ay mas tumataas yung damage mo at mas lalo kang lumalakas.

"I-ikaw!?" Nauutal niyang tanong.

"Oo ako nga ito ang DarkLord na si Eiuol ang hari ng mga demonyo." Sagot ko at ngumiti dahil bakas sa kaniyang mga mata ang pagkasabik na makita ako.

Agad na tumayo si Reaper at nagbigay galang sakin sapagkat ako ang kanyang hari kung kaya't napatingin ako sa kanya.

"Maligayang pagbabalik panginoon." Saad nito at tumungin sa dalawang boss na nasa harapan namin.

"Panginoon hayaan niyo ipakita ko sa inyo ang tunay na lakas ng isang God of Death." Mukhang lumakas na nga loob ni insan ah? At mukhang di pa niya alam na ako ang pinsan niya na si Louie hahaha.

"Ipakita mo sakin Reaper ang tunay mong lakas!!" Sigaw ko bilang utos sa kaniya na talonin ang dalawang boss na nasa harapan namin.

"Masusunod panginoon." Sagot nito at agad na tumakbo patungo sa kinaroroonan ng dalawang boss.

"Filthy humans! You deserve to die!" Sigaw ng dambuhalang kulay itim na aso kaya napatingin ako dito.

Corrupted Dark Shadow Hound (Epic Boss)
Difficultly: ⭐️⭐️⭐️
Hp: 3,000,000
Mp: 3,000,000
Skill:
Shadow Mend
Shadow Bite
Shadow Vitality
Dark Force Howl
King's call
???
???
???
???

"Corrupted?" Tanong ko sa sarili ko dahil parang meron akong na alala na naka sagupa ko noon na boss na may corrupted din na nakakabit sa pangalan.

Tiningnan ko naman ang isa pang boss na isang gorilla na undead at binasa ang information nito.

Corrupted Undead Ogrillon (Mythic Boss)
Difficulty: ⭐️⭐️⭐️⭐️
Hp: 8,000,000
Mp:8,000,000
Skills:
Death Bite
Smack
Charge
Undeadstomp
King's Call
???
???
???
???
???

"Corrupted din?" Teka ano bakit parehas silang corrupted at ang lalakas pa nila dahil yung aso ay Epic boss tas ito namang dambohalang unggoy na ito eh Mythic Boss tas parehas pa sila corrupted? Very wrong! May mali talaga dito.

Teka lang? Parang naalala ko na kung sino yung boss na nakalaban ko dati na corrupted din. Sabi na nga ba tama ang hinala ko ang Tower Boss ng Demon Tower na si Craon The Illusionist, pero teka ang naalala ko may something na sumanib kay Craon noon at pagkatapos na pumasok sa kanya yung itim na usok na yun, ay bigla siyang lumakas at naging isang ganap na god siya at doon na siya naging corrupted? Kung di ako nagkakamali itong dalawang boss na ito, ay sinaniban din ang itim na usok pero bakit hindi sila naging isang god. Sa tingin ko mababang uri lang ng itim na usok ang sumanib sa dalawang ito.

Pero ang tanong saan galing ang itim ma usok na iyon? Arhh nakakabaliw naman isipin yun, saka ko na nga lang problemahin yun pag-alam ko na talaga kung saan galing ang itim na usok na iyon.

"Reaper mag-ingat ka dahil parehas silang corrupted." Pa-alala ko sa kanya dahil alam ko kung gaano kalakas kapag naging corrupted na ang isang boss.

"Walang problema panginoon, ako na bahala sa dalawang ito." Sagot niya sa sinabi ko. Mukhang kumpyansa siya sa kanya sarili na matatalo niya ang dalawang boss na nasa harapan namin.

"Death Barrage!!"

Sigaw ni Reaper at sunod-sunod na pinaulanan ng bala ang dalawang boss ata nabawas sila ng 3% kaya't yung dating 100% Hp nila ang nasa 97% na lang.

"HA HA HA! It's that all you got blessed human!?" Sigaw ng boss na aso at tumatawa pa ito na parang baliw.

"It's like a bite of a tiny ant HA HA HA!" Pang-asar din pala ang dalawang to ha? Teka mabigyan nga ng buff si Reaper.

"Reflex!" Cast ko kay Reaper upang madagdagan ang evasion rate. Napansin niya ito at tumigin sakin.

"Salamat panginoon." Saad nito. Napatango na lang ako sa kaniya bilang sagot.

"Ngayon humanda na kayo dalawang boss kasi ito na katapusan niyo!" Sigaw ni Reaper at nagcast ng isang malakas na skill.

"Death Blossom!"

Itutuloy...

============================================================

Muli po akong hihingi ng paumanhin sa mga araw o buwan na wala ako. Marami po kasi akong ginagawa sa loob ng paaralan at dapat kong tapusin ang lahat ng requirements. Ngunit narito na po ako, ipagdasal niyo na sana tuloy tuloy na ang pag update ko sa DWO. Yun lang po at maraming salamat.

Hope you enjoy ☺️

Please support all Filipino MMORPG writers. Thank youuu 😇

@CoolKidz11

©All Right Reserved 2016

Dragon World Online: Rise Of The Dragon GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon