Chapter 75: Cave Of Death

1.6K 77 30
                                    

Date Published: May 5, 2018

=============================================================

Hi guys! Na miss niyo ba si author? Alam ko naman na hindi eh. Charot HAHAHA. So I'm back guys! Sa haba haba ng panahon nakabalik na din ako sa wattpad. Btw sorry kung natagalan ang pagbalik ko ha? Dami po kasi akong inayos eh tsaka grumaduate pa ako sa Senior high kaya ayun busy talaga pero now hindi kasi bakasyon na bwahaha! Pero mamaya ko na sasabihin yun iba na dapat ko pang sabihin so ito na po ang regalo ko sa inyo ang chapter 75 ng DWO.

Enjoy Reading...

=============================================================

Mars POV

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa isang port dito sa Zisure Town dahil kailangan kong kausapin ang Port Captain dito para sa quest na binigay sakin ng babaeng kasama ko.

"Amara, Para saan ba tong quest na'to?" Tanong ko sa kanya.

"Ang quest na'to ay para mahanap ang isa sa mga 12 Months Celestial Chaotic Sword na pagmamay-ari ng pamilya namin." Sagot naman si Amara sa tanong ko.

Napaisip ako kung ano ba tong 12 Months Celestial Chaotic Sword na'to kasi di naman naglabas ng notice ang Felix Corp. tungkol dito. Pero kung event talaga to at ako ang mauunang makahanap sa isa sa mga 12 Months Celestial Chaotic Sword na'to eh mas maganda pero ano kaya kung lahat ng sword ay makuha ko? Hmm matanong nga tong si Amara.

"Amara ano tong 12 Months Celestial Chaotic Sword na'to?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Mahirap ipaliwanag pero kakayanin ko.  Ang 12 Months Celestial Chaotic Sword ay ang iniingatang yaman ng Jahad Family.  Ang mga sword na ito ay may kanya-kanyang buhay at kapangyarihan, pero ang pinaka malakas sa labing dalawang espada na ito at ang Black March, dahil ito ay gawa sa core ng pinakamalakas na shadow demon." Hmm mukang gusto ko makuha ang Black March na yun.

"Amara napansin kong ang pangalan ng Black March ay isang kulay kasi nga black? Bakit ganun? So lahat ng 12 Months Celestial Chaotic Sword ay may sariling kulay?" Tanong ko ulit dito kasi curios lang ako kung may kulay ang bawat sword na'to.

"Oo tama ka lahat ng sword ang may kanya-kanyang kulay batay sa kanilang lakas at kung saan to gawa."

"Pwede ko bang matanong kung ano-ano ang kulay ng mga espada?" Sana masabi niya sakin para may kunti alam na ako kung ano tong mga sword na'to.

"Pasensya na dahil dalawa lang na espada ang alam ko, ito ang Black March at Green April." Green April? Mukang pamilyar sakin ang pangalan ng espada na yun ah.

"Ganun ba? Amara ikaw lang ba ang may naghahanap ng mga espada na'to?" Tanong ko ulit kasi baka marami sila na naghahanap sa mga espada na'to.

"Hindi. Hindi ako nagiisang naghahanap sa mga espadang ito dahil lahat kaming magkakapatid ang hinahanap ang mga espadang ito para ibigay sa mga napili naming tagapangalaga ni'to." So ibig sabihin ako ang napili niya? Naks naman hinahanap niya takaga ako ah? Kakilig naman hahahaha char.

"Ganun pala? Naguunahan kayo makahanap ng mga espada na yun para ibigay sa napili niyong karapatdapat na gumamit ng mga espada na iyon." Ngayon naiintindihan ko na at mukang ako nga ang napili niyang tagapangalaga ng mahahanao naming espada.

"Tama ka diyan berserker at dapat na tayong magmadali dahil nararamdaman kong malapit nang matagpuan ni Amari at ang kanyang napili ang isa sa mga espada." Naku! Mukang tama siya di na dapat kami magpaligoy-ligoy pa.

"Tara na magmadali na tayo." Yaya ko kay Amara.

▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️▫️▪️

Dragon World Online: Rise Of The Dragon GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon