Chapter 56: Craon The Illusionist

3K 135 4
                                    

Date Published: January 27, 2017

==================================================================

Louie POV

Nakasunod lang sakin si Athena at napansin kong nakatingin siya sakin pero binaliwala ko lang ito dahil wala lang trip ko lang.

Oi lou pansinin mo naman ako oh! Pagmamaka-awa niya sakin pero di ko lang siya pinansin.

Lou sige na please! Hays bat ganito kahit anong pilit ko eh di ko pa ding kayang hindi pansinin siya.

Oo na oo na. Sagot ko sa kanya at bigla na lang niyang kinuha ang kamay ko kaya yun magkahawak kami ng kamay habang naglalakad hanggang sa may maramdaman akong kakaiba sa sarili ko at bigla na lang nagsalita si Alexis.

Master meron pong nakakuha sa kapangyarihan ng kapatid ni Lord Maou. Hmm may kapatid pala si Maou? Sino kaya ang maswerteng player na yun?

Lou bat huminto tayo? Tanong ni Athena sakin.

Ah wala wala meron lang sumagi sa isipan ko hehe tara na! Sabi ko sa kanya at niyaya na.

After ng ilang minutong paglalakad ay bigla na lang ako nakadinig ng boses kaya naghanda na kami at ilang saglit lang ay lumabas na sa malaking pinto ang kaninang na didinig kong boses at laking gulat ko dahil sina Francis at Christine lang pala to hanggang bumakas din ang isa pang malaking pinto at lumabas dun sina Artemis, Bianca, at Sam.

Kinwento nila ang mga nangyari nung naghiwalay-hiwalay kami at nalaman ko na lahat pala kami ay nakipaglaban sa mfa Imp pero ibaba ang kulay dahil ang nakalaban daw nila Francis at Christine ay isang Itim na Imp at kina Artemis, Bianca, at Sam naman isang kulay pulang Imp kaya sinabi ko naman na ang Purple Imp ang nakalaban namin.

Pagkatapos naming magusap-usap ay pinagpatuloy na namin ang paghahanap at lahat na madaanan naming pinto ang tinitingnan namin ang loob dahil nagbabasakali kaming nandito ang painting na yun hanggang sa marating namin ang pinaka dulo ng mansion at meron ditong nagiisang pinto at malaki ito at sa tingin namin ay nandito ang painting na yun at pati na rin ang boss ng stage nato.

Guys maghanda kayo dahil sigurado akong boss room ito at sa tingin ko nandito din sa loob nito ang painting. Sabi ko sa kanila at agad naman silang tumango kaya nilapitan ko na ang pinto ag dahan dahang binuksan at ng nabuksan ko na tuloyan ay agad naming nakita ang painting sa taas at nandon din ang boss. Nagulat kami dahil bigla na lang itong nagsalita.

Kanina ko pa kayo hinihintay mga tao! Sigaw nito samin at bigla na lang tumayo at tumingin samin.

Nabigla kami dahil kamuka niya yung nasa painting pero ang pinagkaiba eh lalaki siya at yung nasa painting ay babae, natigilan lang kami ng biglang ma register sa mga VS namin ang pangalan ng boss nato.

Craon The Illusionist (Tower Boss)
Hp: 250,000
Mp: 250,000
Skill:
Dark Fist
Shadow Illusion
Imp's Call
Dimensional Void
???
???

Yan ang nakalagay sa VS namin kaya sinabihan ko na ang mga kasama ko na maghanda na dahil ano mang oras ay aatake na ang boss na ito.

Guys be ready at maging alerto dahil baka umatake na yan. Sabi ko sa kanila at agad naman silang tumango at di nga ako nagkamali dahil umatake nga ito samin pero normal attack lang.

Guys magplano na muna tayo bagi natin to atakihin. Sabi ko sa kanila kaya agad kaming nagtago sa likod ng lamesa dahil lahat na bagay dito ay kasing laki ng boss na ito, madaling salita higante at ganun din ang painting.

Dragon World Online: Rise Of The Dragon GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon