Chapter Six

12.3K 641 55
                                    

PAGDATING ng araw ng Sabado ay excited siyang gumising. Ginawa niya lahat ng homework niya gaya ng bilin ng parents niya. Sigurado kasing mapupuyat siya kaya kailangan na niyang tapusin muna lahat ng homeworks niya.

Nang sumapit ang alas kuwatro ng hapon ay hindi na siya mapakali. Alas sais pa siya susunduin ni Jordan. Parang gusto na niyang hilahin ang oras.
Dalawang oras pa ang ipaghihintay niya.

Excited na siyang makapanuod ng concert at makita ang favorite boyband niya. Pero mukhang mas excited siyang makasama manuod ang binata. Iisipin niya nanbiyfriend niya ito at may date sila mamaya.

Ganito yung mga pangarap niyang date. Iyong manunuod ng concert o hindi kaya ay magpipicnic.
Dahil sa naiisip niyang kahibangan ay hindi niya maiwasang mapangiti ng mag-isa. Matindi na talaga ang nararamdaman niya para sa binata.

" Someone is losing her sanity." narinig niyang sabi ni Cj. Hindi niya namalayan na nasa living room na ito kasama ang parents niya.

Umayos siya ng upo saka sumeryoso. Baka may mahalata ang mga ito sa kanya.

" Excited?" tanong ng Mommy nila.

Nakangiti siyang tumango.

" Super, Mom."

" Are you done with your homeworks?" tanong
naman ng Daddy niya.

" Yes, Dad. Kanina pa po."

" Good. We will go to the mall now. We are not sure what time we will be home. Just incase wala pa kami pagdating ni JJ don't bother to wait for us. Just give me text kapag aalis ka na, Okay?"

" Okies, Dad. Ingat kayo."

" Right after the concert ask JJ to bring you home."

" Alright. Thanks again, Dad."

Nang umalis na ang mga magulang nila ay nag-ring ang telepono nila. Sinagot iyon ni Cj. Nang marinig niya na binanggit nito ang pangalan ni Jordan ay kaagad na bumilis na pintig ng puso niya.

" Get ready now, Che. Jj will be here quarter to five." sabi ni Cj matapos ibaba ang landline.

" Okay. Just call me if he's here. I'll take a shower now." at saka siya mabilis na umakyat sa silid niya.

Naligo siya at sinigurado niya na mabango siya ngayong gabi. Isang pink na mini skirt at crop top na white blouse ang napili niyang isuot. Kitang-kita ang korte ng katawan niya sa napili niyang get up.

Itinali niya paitaas ang mahabang buhok niya at naglagay siya ng light powder at light lipstick sa mga labi niya. Pagkatapos ay nag-spray siya ng perfume.

Umikot siya sa harap ng salamin just to make sure na maayos ang itsura niya. Mukha na siyang college student sa hubog ng katawa niya.

" Che, JJ is here." katok ni Cj sa may pintuan.

" Okay,coming!"

Dinampot niya ang bag niya at muling sumulyap sa harap ng salamin. Napangiti siya sa itsura niya. Hindi siya magbubuhat ng bangko pero ang seksi niya talagang tingnan.

'Till It's Time COMPLETEDWhere stories live. Discover now