Chapter Nine

12K 653 53
                                    

LUMIPAS ang mga araw at patuloy nilang naitago ang pagiging sweet nila ng binata sa isa't-isa. Halos araw-araw sila nitong nagkikita.

Kung hindi man ito pupunta sa bahay nila ay nagkikita naman sila sa labas ng school niya. Tulad na lamang ngayon. Ito ang sumundo sa kanya.

" We eat first?" tanong nito.

Tumango naman siya dahil nagugutom na rin siya. Nag-drive ito patungo sa Mcdo. At nang makarating doon ay nag-order sila ng pagkain. As usual she got her favorite cheese burger and fries.

Matapos makapag-order ay umupo na sila. Kumuha ang binata ng fries at sinubuan siya. Ganun din naman ang ginawa niya.

Mula nang aminin nito sa kanya ang nararamdaman nito ay walang araw na hindi rin sila magkausap o magka-text sa telepono. Sobrang gaan ng pakiramdam niya.

Atleast ngayon alam na niya na may gusto ito sa kanya at hindi na niya kailangang mag-isip o umasa pa.Ang tanging problema na lamang nila ay patago ang mga sweet moments nila.

Maya-maya ay kinuha ng binata ang isang kamay niya. Hinalikan nito iyon. At nang magkasalubong ang mga mata nila ay ngumiti sila sa isa't-isa. Kahit alam na niyang may gusto ito sa kanya ay kinikilig pa rin siya sa tuwing hahawakan o hahalikan nito ang kamay niya.

" Do you wanna watch movie after this?"

Inubos niya muna ang nginunguya na burger bago sumagot.

" Sure."

Ngumiti ito. Mas komportable siya na nasa loob sila ng sinehan dahil madilim doon. Walang makakakita sa kanila kahit maging sweet man sila sa isa't-isa.

" Alright. Finish your food and we will go."

Mabilis niyang inubos ang pagkain niya at nang matapos siya ay tumayo na siya. Inalalayan siya nito paglabas hanggang sa makasakay sa kotse nito.

Tumungo sila sa malapit na theater at makalipas ang ten minutes ay nakarating na sila. Kumuha ito ng ticket at inakbayan siya nito habang papasok na sila sa loob.

Nang makaupo sila ay kaagad nitong kinuha ang isang kamay niya. Nagsubuan rin muna sila ng popcorn habang hinihintay na magsimula ang palabas.

Ngunit makalipas ang ilang minuto ay nag-ring ang cellphone ng binata. Tiningnan nito ang caller.

" It's Cj."

Kinabahan siya nang sabihin nito na ang kuya niya ang tumatawag. Sinagot nito iyon.

" Hello, bro."

Narinig niyang bungad nito sa kausap.

" We are here in book store. She wants to buy something for her homework. I'll send her home once we are done. And yes I'll meet you and Zack later. Just let me know where. Okay, Bye."

Napatingin siya rito matapos patayin ang telepono.

" Why you told him we are in bookstore?"

" I'm just scared he might start to notice something. Parati na lang tayong magkasamang nanunuod ng movie and I don't want him to think that something is going on between us. Even though its true. Its just not the right time yet."

Sabagay baka nga naman makahalata na ang kuya niya sa kanila. Muli silang nagpokus sa palabas. Inakbayan na siya nito at sumandal naman siya rito.

Halos dalawang oras sila sa loob ng sinehan hanggang sa matapos ang palabas. Mag-a-alas sais na ng gabi kaya nagpasya sila na umuwi na. Magkahawak kamay silang lumabas at saktong paglabas nila ng theater ay nakita nila sa labas sina Cj at Zackie na may kasama ring mga babae.

'Till It's Time COMPLETEDWhere stories live. Discover now