Chapter Thirteen

11.5K 675 53
                                    

HABANG wala ang binata ay nagpasya siya na ikutin muna ang loob ng bahay nito. Hindi niya pa nakikita ang lahat ng silid dito.

Inuna niyang buksan ang guest room sa ibaba. Halos kapareho iyon ng silid niya sa itaas cream nga lang ang kulay ng wall. At may mga pictures ng pamilya nito.

At dahil halos naikot na niya ang first floor ay bumaba naman siya sa basement. Malaki ang basement ng binata at pagbaba doon ay makikita mo ang mini gym nito at may billiard table rin at bar. May dalawang pintuan rin doon at nagpasya siyang silipin ang loob nun.

Ang unang silid na binuksan niya ay entertainment room. May malaking TV sa wall at maraming mga DVD na nakasalansan rack. May dalawang electic acoustic guitar rin siyang nakita.

Hindi niya alam na marunong palang mag-gitara ang binata. Parang ang dami niya pang hindi nalalaman sa pagkatao nito. Matapos makita ang kabuuan ng silid ay pumasok naman siya sa katabing kwarto.

Apat na bookshelves ang nakita niya pagbukas ng pinto at isang mesa na may nakalagay na computer. Library at mini office siguro ng binata. Nang tuluyan siyang pumasok ay natawag ng atensyon niya ang mga frames na nasa mesa nito. Ang unang frame ay solo picture niya noong JS prom niya. Ang pangalawang frame naman ay picture nilang dalawa kuha ito noong Prom niya rin dahil ito ang naging escort niya. At ang huling frame ay kuha uli nilang dalawa.

Magkaharap sila ng binata doon. Hawak siya sa bewang at siya naman ay nakayakap sa leeg nito habang ang mga labi ng binata ay nasa noo niya. Ito yung time na pumunta sila ng theme park. Hindi niya akalain na may picture sila na ganito.

Parang may kung anong bagay ang muling nabuhay sa puso niya pagkakita sa mga larawan na ito. After all these years naka-display pa rin ang mga pictures nila sa bahay nito?

Parang sandali siyang ibinalik sa kahapon nila. Ang mga masasayang sandali na magkasama sila. At dahil malinaw na sa kanya ang lahat wala na ang pamilyar na sakit sa tuwing magbabalik tanaw siya sa kahapon nila.

Ngayon napapaisip siya. Paano kaya kung hindi sila nagtapos sa ganoong paraan? Siguro sa ngayon legal na silang magkasintahan. O baka engaged na sa isa't-isa.

Ngunit kaagad niya rin ipinilig ang ulo niya. Hindi porket may larawan siya sa bahay nito ay nangangahulugan na may pagmamahal pa rin ang binata sa kanya. Nagliwanagan na sila at wala itong sinabi sa kanya tungkol sa nararamdaman nito sa kasalukuyan.

Ang dami nang naging babae nito matapos ang nakaraan nila. Malay ba niya kung may siniseryoso na itong iba ngayon. Ibinaba na niya ang frame na hawak at lumabas na ng silid.

Pabalik na siya sa first floor nang mag-ring ang landline nito. Hindi niya alam kung sasagutin iyon o ano. Pero panay ang ingay noon. Kaya naman tumayo na rin siya at dinampot ang telepono. Hinintay niya muna na sumagot ang caller. Baka mamaya si Cj ang tumatawag.

" Hello, Kitten." si Jordan ang nasa kabilang linya.

" Yes, Bulldog."

" What's wrong with your cellphone? I was trying to call you but its off."

Pinatay niya ang cellphone niya para hindi siya makontak ng pamilya niya.

" I off my cellphone. I will not use it while I'm hiding."

" Oh okay. I'm about to leave in ten minutes. Just curious if you want me to pick up anything for lunch. Just incase ayaw mo yung nasa fridge."

" Burger and fries would be fine."

Siya yung tipo ng tao na kahit araw-araw kumain ng burger at fries ay hinding-hindi magsasawa.

" Okay. I'll get sundae too. See you later."

'Till It's Time COMPLETEDWhere stories live. Discover now