Chapter Seven

12.4K 683 76
                                    

DUMATING ang araw ng Biyernes at kailangan na niyang maghanda para sa Prom nila. Pagkauwi niya galing school ay kaagad siyang naligo at tumungo sila ng Mommy niya sa salon.

Inayusan siya ng make up artist na naroroon. Habang inaayos ang make up niya ay panay ang papuri ng bading na make up artist sa kanya. Hanggang sa nakalipas ang isang oras at natapos na siyang ayusan.

Umuwi sila ng Mommy niya para magbihis. Pagdating sa bahay nila ay wala pa doon si Jordan. Ito ang magiging partner niya tonight.
Nai-excite siya na kinakabahan.

" Jj, is on the way, Che." sabi ni Cj nang makarating sila sa sala.

Pagkarinig pa lang sa pangalan ng hinata ay naguumingay na ang kabog ng dibdib niya.

" Okay. I'll change my clothes now."

" Do you need help in putting your gown anak?" tanong naman ng Mommy niya.

" No, Mom. I can do it. Thanks anyway."

" Let Mom help you. Baka masira yung gown sa mga baby fats mo, Che." tukso ni Cj.

Tiningnan niya ng masama ang kuya niyang alaskador.

" Shut up! I'm not fat okay? I'm sexy and I know it!" sabay akyat na niya sa itaas.

Hinubad na niya ang polo shirt na suot saka kinuha ang red na long gown. Marahan niya iyong isinuot. Lumutang lalo ang maputi niyang kutis at magandang hubog ng katawan niya dahil sa fitted na gown.

She doesn't look like a sixteen year old teenager. Her body looks matured already. Napaka-stunning ng aura niya ngayong gabi. Umikot siya sa harapan ng salamin para mas masuri ang sarili.

At nang makita na ayos naman itsura niya ay napangiti siya. Nakatali ang lagpas balikat niyang buhok at naka-red lipstick rin siya. Ang sexy niyang tingnan sa tuwing lalabas ang isang leg niya sa front slit ng gown.

Sana naman mapansin na ni Jordan na dalaga na siya ngayon. At huwag na siya nitong ituring na baby sister lamang. Sana maisip nito na matured na siya ngayon. Sana ma-inlove ito sa kanya ngayong gabi.

CTTO

Matapos maisuot ang black sandals niya ay kumatok na ang Mommy niya sa pintuan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matapos maisuot ang black sandals niya ay kumatok na ang Mommy niya sa pintuan.

" Che, Jj is here. Labas ka na anak."

Nag-spray munq siya ng perfume bago lumabas. Napangiti ang ina niya nang makita ang itsura niya.

" You're a grown up lady na, anak. You look sophisticated tonight." tila hindi makapaniwala na sabi ng Mommy niya.

'Till It's Time COMPLETEDWhere stories live. Discover now