Chapter Ten

12.6K 641 33
                                    

TINANGHALI siya ng gising kinabukasan. Nang tingnan niya ang cellphone niya ay mayroon siyang sampung missed calls. Naka-silent mode iyon mula kagabi dahil sa inis niya sa binata. Sinadya niyang late na magising ngayon dahil wala siyang plano na pumasok sa trabaho.

Pag open niya nang cellphone niya ay nakita niya na mula kay Jordan ang lahat ng tawag. May mensahe rin ito na kung pwede ay sagutin niya ang mga tawag nito.

" Ang kapal ng mukha! Answer your face jerk!" galit na sabi niya saka tumayo at bumaba na.

Kumakalam na ang sikmura niya dahil mag-a-alas onse na ng umaga. Nang makarating siya sa kusina ay kaagad niyang binuksan ang ref  at naghanap ng makakain.

Nakita niya ang left over na pasta at fried chicken. Iniinit niya ang mga iyon sa microwave saka inihain sa mesa. Nagsalin rin siya ng juice sa baso saka naupo na.

Habang kumakain siya ay hindi niya maiwasang maalala ang mga nangyari kagabi. Ang paghalik ng binata sa kanya sa parking lot. Naiinis siyang muling sumubo ng pagkain saka umiling-iling.

Ayaw na niyang maalala pa ang nangyari kagabi. If only she has the power to delete what happened last night ay gagawin niya talaga. Sa pagkain niya na lamang ibinunton ang galit niya.

Kung kaya naman wala pa'ng five minutes ay naubos na niya ang laman ng plato niya. Habang nakaupo siya ay nag-ring na naman ang cellphone niya. Si Jordan na naman ang tumatawag.

" What the hell he wants?! Why he still has the guts to bug me like this after what he has done last night? Ang kapal talaga ng mukha!" inis na sabi niya.

Nang hindi niya sagutin ang call nito ay may natanggap naman siyang mensahe mula rito. Binasa niya iyon.

Hindi siya kumilos sa kinauupuan niya matapos mabasa ang mensahe nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi siya kumilos sa kinauupuan niya matapos mabasa ang mensahe nito. He would be the last person she would want to see right at this moment. Baka mag-freak out siya kapag nakita niya ang pagmumukha nito.

Ngunit ilang minuto pa lamang ang lumipas ay nakarinig naman siya ng pag-doorbell sa may pintuan. Alam niyang si Jordan iyon kaya nagpabingi lamang siya.

" Manigas ka ngayon dyan!"

At dahil hindi siya kumilos para buksan ang pinto ay muli nitong inulit-ulit ang pag-doorbell. Lalo siyang nabuwisit sa ingay na ginagawa nito. Kaya naman tumayo na siya para tumungo sa may pintuan.

Galit niya iyong binuksan. Kaagad na bumungad sa kanya ang binata na may hawak nang bouquet of red roses. Hindi niya alam kung ilang dosena ba ng pulang rosas ang dala nito dahil halos matabunan na ang buong mukha nito. Ganunpaman, hindi nito makukuha sa sangkaterbang rosas ang galit niya.

Ctto

Ctto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
'Till It's Time COMPLETEDWhere stories live. Discover now