Chapter Fifteen

11.9K 634 36
                                    

LUMIPAS ang mga araw at naging maayos ang takbo ng relasyon nila ng binata. Ngayong opisyal na sila ay nakita niyang bumawi ito nang husto sa kanya.

Napakalambing nito at parati siyang pinagsisilbihan. Halos araw-araw ay may sorpresa ito sa kanya na kung anu-ano. At walang araw na hindi nito sinsabi sa kanya na mahal siya nito.

Ang sarap talaga ng pakiramdam kapag pinaparamdam sa iyo ng taong mahal mo kung gaano ka kahalaga sa kaniya.

Ang ganda ng ngiti niya nang paggising niya ay text ng binata ang mabungaran niya. Kahit nasa iisang bahay lamang sila ay araw-araw pa rin silang nagpapalitan ng mensahe.

 Kahit nasa iisang bahay lamang sila ay araw-araw pa rin silang nagpapalitan ng mensahe

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Magaan ang pakiramdam na bumangon siya at nag-ayos na ng sarili niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Magaan ang pakiramdam na bumangon siya at nag-ayos na ng sarili niya. At pagkatapos ay lumabas na siya. She went straight to the dining room. And as usual the food is waiting for her in the table.

Binuksan niya ang mga pagkain na natatakpan sa mesa. May tapa, longganisa at sunny side up egg. Pati na rin garlic fried rice.

Iniinit niya muna ang mga pagkain sa microwave at matapos magtimpla ng kape ay nagsimula na siyang kumain. Nakakalungkot kumain mag-isa. Mula nang maging sila ay parati silang sabay na mag-agahan ng binata.

Pero ngayon na may audit sa department store nito ay kinailangan nitong umalis nang maaga. Matapos niyang kumain ay naglinis siya ng bahay. Dahil nakakainip naman tumunganga ay ginawa niyang busy ang sarili niya sa paglilinis ng bahay.

Alas dos na ng hapon nang matapos siya maglinis. Tumungo siya sa sala at saka nanuod ng TV. Halos mahigit isang oras na siyang nanunuod nang dapuan siya ng antok. Humiga siya sa couch at nagpasyang umidlip muna.

SAMANTALA dahil maagang natapos ang audit ay nagpasya siyang umuwi kaagad. Sa tuwing matatapos niya ang kailangan niyang ayusin sa negosyo niya ay sobrang excited siyang umuwi.

Kung pwede nga lang na huwag muna siyang umalis ng bahay niya at manatili lamang sa tabi ng dalaga araw-araw. Ang sarap sa pakiramdam na paglabas niya ng silid niya ay makikita niya kaagad ang dalaga sa loob ng bahay niya.

'Till It's Time COMPLETEDWhere stories live. Discover now