Chapter Fourteen

12.2K 626 62
                                    

NAGHIHINTAY pa rin ang binata sa isasagot niya. Tila nangungusap ang mga magagandang mata nito habang nakatitig sa kanya.

Pinakiramdam niya ang puso niya. Papayag ba siya? Wala naman sigurong masama kung bibigyan niya ito ng second chance. Inamin na nito ang mga nangyari noon.

Huminga muna siya nang malalim saka dahan-dahang tumango.

" Okay." sagot niya.

Biglang nanlaki ang mga mata nito at mabilis na rumihistro ang tuwa sa gwapong mukha.

" Seriously? Pwede?" tila hindi makapaniwala na tanong nito.

" Yes. Pero kapag nagbago pa ang isip mo no more chance for you. Last na 'to."

" No, I'm not gonna change mind again. Promise ngayon hindi ako titigil hanggat hindi naririnig ang matamis mo'ng oo."

Ngumiti siya saka nagpatuloy na sa pagkain. Matapos nilang kumain ay tumungo sila sa isang mobile store.

" Let's go down." sabi nito nang hindi siya kumikilos sa upuan.

" Ano'ng gagawin mo dyan? I'll just wait here na lang."

" Okay. I'll be quick." at lumabas na ito.

Nang makapasok na ito sa loob ng store ay nakita niya mula sa salamin na pumipili ito ng cellphone. Bakit kailangan nitong bumili ng telepono mukhang ayos pa naman yung iphone na gamit niya.

Hindi naman nagtagal at bumalik na ito. Nagulat siya nang iabot nito sa kanya ang isang box ng iphone 7s plus.

" What is that for?" takang tanong niya. She has a cellphone. Pero pansamantala niya munang hindi ginagamit iyon para hindi siya makontak ng pamilya niya.

" For you. You can't use your phone right? There, I bought you a new one. So, that everytime I go to work and I miss you, you're just one text or call away."

Nahihiya siyang kiligin agad-agad pero yung puso niya hindi nakisama. Namula siya at saka napangiti.

" May landline naman sa bahay mo ah." kunwari ay sabi niya pero inabot niya pa rin ang box ng cellphone.

" I know. Pero mas maganda kung may cellphone ka. So, if I'll miss you at night and you are inside your room already we can still chat."

Lalong lumawak yung ngiti niya. Nakakainis yung mga banat nito. Walang kupas. Kilig to the bones pa rin siya.

" Arte ha. Magkasama naman tayo sa bahay mo may pamiss-miss ka pa'ng nalalaman."

" Magkasama nga tayo pero magkaiba naman tayo ng kwarto. Even if we are living under the same roof it still won't stop me from missing you. I miss you every minute and I mean it."

" Daming alam talaga. Tara na." pag-iiba na niya ng usapan. Baka hindi na niya kayanin ang mga hirit nito.

" Kinilig ka, Kitten?" panunukso muna nito na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

Bigla siyang sumeryoso at tinaasan ito ng isang kilay.

" Bastedin na kita gusto mo? Mang-aasar ka pa eh."

Napahalakhak na ito.

" Just curious. Nagtatanong lang eh. Kasi ako kinikilig sa tuwing kasama kita."

Hindi na niya ito pinatulan. Lalo lang itong makakakuha ng tyempo para patuloy siyang inisin.

KINAGABIHAN matapos nilang kumain ay muling umalis ang binata. Nang sumapit ang alas nuebe at hindi pa rin ito bumabalik ay nagpasya na siyang umakyat sa silid niya.

'Till It's Time COMPLETEDWhere stories live. Discover now