Chapter Eleven

12.5K 589 49
                                    

LUMIPAS ang mga araw at tuluyan nang hindi pumasok si Chelsea sa department store niya. Sinubukan niya ito'ng puntahan sa bahay ng mga ito pero hindi niya naman naabutan.

At sa tuwing tatawagan o ite-text niya ang numero nito ay hindi naman sumasagot sa kanya. Sobrang miss na miss na niya ang dalaga. Sobrang lungkot ang nararamdaman niya dahil mukhang tuluyan na nga nitong inilayo ang sarili sa kanya.

Maski noong birthday ni Cj ay hindi rin ito dumalo. Umaasa pa naman siya na makikita niya ito roon. Hindi niya naman alam kung saan ito parating tumatambay. Kahit puntahan niya ito sa campus nito ay hindi niya ito matyempuhan.

Malungkot siyang napabuntong-hininga. Nagkaroon na siya ng chance na muling makalapit dito pero napurnada pa. Kung sana kasi hindi niya pinairal ang selos niya hindi sana siya mapupwersa na halikan ito.

Tiningnan niya ang cellphone niya na nasa ibabaw ng mesa niya saka muling sinubukan na tawagan ang dalaga. But as usual she ignored his call.

" I miss you so much, Kitten. Answer please." sabi niya ngunit hanggang sa ikatlong pagtawag niya ay hindi ito sumagot.

Muli niyang inilapag ang cellphone at napatingin sa picture ng dalaga sa mesa niya. Kinuha niya ang frame at hinaplos-haplos ang mikha ng dalaga sa larawan.

Mapait siyang napangiti. Ayaw niyang isipin na wala na siyang pag-asa para sa dalaga. Hindi siya magsasawa at kontakin ito hanggang sa magkausap silang muli.

Nang tumunog ang cellphone niya ay nai-excite niyang sinagot iyon sa pag-aakalang si Chelsea ang tumatawag. Ngunit nadismaya siya nang makitang si Zackie iyon.

" Hello, Bro."

" Hey, can we meet up lunch?"

Napatingin siya sa wall clock. Alas onse na ng tanghali.

" Sure. Where?"

" Cj's resto. I am in the area now so maybe around eleven thirty we could meet up there."

" Okay. See you later." at pinatay na niya ang telepono.

Sa tuwing magagawi sa area na ito ang kaibigan niya ay parati itong tumatawag sa kanya para magkita sila. They just usually meet and eat together and do some catch ups.

At dahil nasa New York na si Cj ay bihira na nila itong makasama. Good boy na ang kaibigan nila dahil natagpuan na raw nito ang babaeng nakalaan para rito.

Buti pa si Cj may seryosong love life na. Habang siya patuloy pa ring binabalewala ng babaeng gusto niya. Malungkot siyang lumabas ng opisina niya para i-meet si Zackie sa restaurant ni Cj.

Nag-drive siya ng fifteen minutes at ilang sandali pa ay nasa restaurant na siya. Pumasok siya sa loob at hindi naman nagtagal ay dumating rin si Zackie.

Tumawag sila ng waiter at nagsimula na silang umorder. Habang umu-order siya ay napansin niya na panay ang linga ng kaibigan niya sa paligid.

Matapos makuha ang mga order nila ay umalis na ang waiter. Panay pa rin ang lingon ni Zackie sa paligid. Hindi na siya nakatiis at inusisa na ito.

" You keep looking around the moment you entered here. Sino ba'ng hinahanap mo?"

Sandali itong hindi nakasagot at tila nagulat sa tanong niya. Ngunit maya-maya ay umiling ito.

" Wala." umiiwas ang mga mata na sagot nito.

Lalo tuloy siyang naging interesado na kulitin ito.

'Till It's Time COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora