Chapter Seventeen FINALE

16.7K 761 71
                                    

" YOUR brother is getting married." sabi ng Mommy niya nang umupo rin ito sa sala.

Hindi na siya nabigla. Alam niya naman na doon rin ang punta ng mga ito lalo pa at buntis na ang magiging sister in law niya.

" I know, Mom. And you are having a grandchild right?"

Ngumiti ang Mommy niya. Bakas ang excitement at tuwa sa mga mata nito.

" Yes. I'm gonna be a Lola finally. What about you, anak?"

Natigilan siya sa tanong ina. Kelan niya lamang pormal na ipinakilala si Jordan dito ma nobyo niya at heto at umaasa na rin pala ito na sila na ng binata ang magkakatuluyan. Pero ang problema hindi pa naman nila napag-uusapan ang bagay na iyon. Baka hindi pa handa ang binata para mag-asawa.

" What about me?" painosenteng tanong niya.

" When are you gonna tie the knot?"

Pilit siyang ngumiti sa ina.

" Mom naman. We've been officially together for like a couple of months only. You're too excited!"

" I know. Pero wala naman sa haba ng panahon iyan anak. When you find the right person even if you've been together for a short period of time only basta ramdam mo na siya na ang gusto mo'ng makasama sa buhay just go. Kasalan na iyan."

Parang gusto niyang sabihin sa ina na mukhang hindi pa handa si Jordan. Pero mas pinili niyang manahimik na lamang. And speaking of her boyfriend madalang na itong mag-text o tumawag sa kanya since lastweek.

Hindi tulad dati na halos kada oras ay magkausap sila. Sabi nito ay magiging busy raw ito dahil magtatayo ito ng panibagong negosyo. Natutuwa naman siya dahil nagsisikap ito ng husto. Kaya lang nakaka-miss na rin iyong oras na madalas ay sa kanya nito ginugugol.

Hindi na nasundan ang mensahe nito sa kanya kaninang umaga. Bumati lamang ng good morning sa kanya. Tiningnan niya ang cellphone niya at sinubukan itong tawagan. Naka-dalawang ring bago nito iyon sinagot. Maingay pa ang background at halos hindi sila magkarinigan.

" Hello, Kitten. I am on the site now. I visit the area today. Medyo maingay dito."

" I miss you, Bulldog. What time you'll be home?"

" I am not sure. I miss you too."

" Can we have dinner tonight?"

" I'll try. If I'll be able to come home early okay?"

Hindi pa siya nakakasagot ay nagpaalam na ito.

" Gotta go, kitten. Call you later. Love you."

" Love you too." at nawala na ito sa linya.

Malungkot siyang napabuntong-hininga. Sana makauwi ito nang maaga. Ngunit hanggang sa sumapit ang gabi ay wala siyang natanggap na tawag o text man lang dito. Sinubukan niya itong tawagan but his phone is out of reach.

Alas onse na ng gabi nang mag-beep ang cellphone niya for message. Mabilis niyang tiningnan ang mensahe. Galing kay Jordan iyon.

 Galing kay Jordan iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
'Till It's Time COMPLETEDWhere stories live. Discover now