Battle Axe

141K 5.9K 2.1K
                                    

Di ba ako nagpagpag?

Dahil ba'to sa sobrang kapangitan ko na naaattract ko ang mga multo?

May sinabi ba akong mali?

Nasundan ba ako ng isang patay?

Kinukulam ba ako?

Kung anu-ano na ang lumalabas sa isipan ko ngayon at bakit napunta ako sa sitwasyong 'to.

"Hindi ko akalaing makakakain ako ngayon ng isang semideus. Tatawagin ko pa sana ang iba pero nagdesisyon na akong akin lang ang hapunang 'to." lumabas ang mga matatalim niyang ngipin. Saka niya hinagis sa taas ang panyo at sinalo ito ng malaki niyang bunganga.

Halata naman siguro kung sino ang sinasabi niyang hapunan.


Teka.

"Kailan ba kumakain ng tao ang mga multo?" tanong ko dahilan na humalakhak siya ng malakas.

Sinubukan kong maghanap ng gamit na maaaring pandepensa.

Sa may di kalayuan, may nakita akong dustpan.

Wala na akong choice. Yan lang naman kasi ang nasa reach ko eh!

Sa american movies ka lang makakakita ng mga baseball bats, metal rods na maaaring gamitin. Pero iba to! Pilipinas to kaya syempre dustpan ang pinakalapit sa'yo.

Tsk.

Napailing ako.

Agad namang tinignan ng nilalang ang dustpan.

"seryoso ka?" saka niya itinapon ito papalayo sa'kin.

wow ha!

"Alam ko namang kakainin mo rin ako eh! Edi sana naman binigay mo nalang yung dustpan! At least mamamatay akong naglaban. Puta." napaatras ako.

Kung saan na naman naglibot ang mga mata ko para makahanap ng pwedeng magamit laban sa tao-eating-multo.

Walang kwenta. Alangan namang yung gas ang gagamitin ko. Ano? Itatapon ko rin sa kanya? Ganon? Ano ako? Supergirl?

O etong gallon kaya ng mineral water na walang laman. Di naman siguro to mabigat.

Biglang tumigil ang mga mata ko sa ilaw na nasa taas ng multo.

Kinuha ko ang gallon at hinagis ito sa ilaw. Bumagsak ang iilang mga sparks ng kuryente sa mga mata ng multo.


At doon na akong nagsimulang kumaripas ng takbo papunta sa taas at dumiretso sa kwarto ko.

Sinet ko ang tatlong alarm clocks ko. Pati na yung laruan kong crossbows.

This time, nag iisip ako sa pwedeng madistract sa multo.

Balloon sa birthday ng pinsan ko kahapon.

CD.

Gatorade na bottle.

At isang superglue.

Pwede na'to. Simple lang naman 'to eh. Nilagay ko silang lahat sa mesa.

Ginamit ko ang glue para idikit ang lid ng gatorade sa CD.Tas kinuha ko ang balloon at tinanggal ang tali nito. Dali dali kong tinali ito sa lid bago pa ito maubusan ng hangin.

Naalala ko 'to kasi isa 'to sa favorite experiments ko noong bata. Di ko alam na magiging life-saving instrument ito.

Pinalutang ko na ang ginawa kong mini hoverboard at binigyan ito ng konting push para lumutang ito sa direksyon 36 inches papuntang bintana.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon