The Hidden Identity

130K 7.2K 2.1K
                                    

Cesia's POV

Bumagsak ang phoenix mula sa taas. Bumaba na rin si Trev na puno ng dugo. Ikaw ba naman ang makalaban ng isang malaking ibon sa ere.

"Ria!" kinuha ko ang atensyon niya. "Tapos na tayo dito. Tanggapin mo na."

Tinignan niya kami.

Ilang segundo ng katahimikan at bumalik na siya sa dating anyo niya. "S-si Kara?" inalalayan siya ni Chase.

Nagbuntong-hininga ako.

Tapos na ako kay Dio.. tas si Jamie... Chase... kasunod si Ria...

"Hindi ko mahanap si Kara..." sagot ko.

I feel my ability draining. Nakakapagod rin pag ang buong team ang nagkakaganito.

"Cesia... hindi kaya siya nagtatago sa isang trance?" tanong sa'kin ni Dio.

Naging lightbulb ang sinabi niya sa utak ko. Kaming dalawa ni Kara ang may kakayahan mag manipulate ng trance. Tama.

"Hanapin niyo si Cal at Sebastian." utos ko sa kanila.

Pinikit ko ang mga mata ko at nakinig sa heartbeats.

8...

9...

May naririnig akong faint heartbeats. Dalawa. Sinubukan kong itrace kung saan ito nanggagaling.

Iminulat ko na ang mga mata ko at nakitang nasa field ako ng Academy.

Napapaligiran ako ng napakaraming gigantes. I fought my way hanggang sa nakita ko na rin si Kara.

Huminto ako.

Paano ako makakalapit sa kanya?

Tatlong gigantes ang kaya niyang patayin sa isang segundo. Kaya alam kong hindi ako makakalapit sa range niya.

Naghanap ako ng link sa pagitan naming dalawa.

Ginamit ko ang trance para idistract siya. Alam kong mali ang ginagawa ko pero dapat ko na siyang mapatigil.

Tinignan ko ang Art na nakatayo sa harap niya.

"A-art?" hindi kapani-paniwalang tanong ni Kara.

Ginamit ko ang weapon ko para matanggal ang dagger mula sa kamay ni Kara saka nilock ang dalawang kamay niya mula sa likod.

"Wala na siya Kara. Wala na tayong magagawa. Kaya please... Tumigil ka na. Alam niya ang ginawa niya."

Dahil sa abilities niya, isang tulak lang ang kinailangan para matapon ako papalayo sa kanya.

Tinignan ko ang balikat ko na namamaga dahil sa impact.

"K-kara.."

Pinulot niya ang dagger saka dumiretso sa'kin. Hinagis niya ito sa binti ko kaya napasigaw ako sa sakit.

Ginawa niya ito para hindi ako makatayo.

I cried out of pain again nang hatakin niya ang dagger.

Naiyak talaga ako sa sakit nang nilapit niya ang weapon sa'kin.

I inhaled sharply when she held the knife on my throat.

Tinignan ko siya na luhaan ang mga mata. "Don't let her death shatter you."

Kumunot ang noo niya saka tinignan ang dagger sa kamay niya. Tila nagtaka siya sa ginagawa niya ngayon.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon