Black Hole

144K 7.1K 2.1K
                                    

Ria's POV

Whaaat theee fuuuu.

I didn't expect wearing my uniform again would turn out so uncomfortable as shit.

Kanina pa ako nasa kwarto ko. Most of the time I spent looking at myself in front of the mirror.

I sighed. Wala na akong magagawa. Balik klase na kasi kami.

Magkasabay kaming lumabas ni Cesia. Suot-suot rin niya yung uniform niya.

"Asan si Jamie?" tanong ko.

"Di pa tapos sa pagbibihis." sagot niya.

Napagdesisyunan naming mag additional rooms at the end of the year nalang kaya habang wala pang extra rooms, dun muna mag s-stay si Jamie sa kwarto ni Cesia at si Sebastian dun kay Chase.

"Teka. Kung mag half day ka kaya? Halatang hung-over ka pa eh." ani Cesia while studying my face.

Umiling ako.

"Diba nalasing ka rin kagabi?"

Hindi siya nakasagot sa tanong ko. Instead, namula lang yung pisngi niya.

"Hey... wanna eat ice cream?" aya ko sa kanya nang napansin kong hindi pa lumalabas yung iba.

Dumiretso ako sa kitchen saka kinuha ang isang gallon ng mint-chocolate ice cream mula sa freezer.

Tumabi ako sa kanya na nakaupo sa salas, nanonood ng TV.

"Ano nga pala subject natin ngayon?" nag scoop ako ng ice cream.

"Uhh... Semideus." sagot niya.

I don't know what happened pero nakita ko nalang ang sarili ko na nanonood ng PPG dahil kay Art. Katabi ko si Kara na kumakain rin ng ice cream pati sina Chase at Dio na naghahati sa chips na nakalatay sa mesa.

"Anong oras na?" tanong ko kay Kara.

"we're 30 minutes late."

Dahil sa sinabi niya, natapon ko ang ice cream sa mesa saka tumayo.

"Late na tayo Alphas!" anunsyo ko sa harap nila.

•••

"Oh wow. I didn't know you'd be present." puna ni Sir Glen habang hinihimas-himas ang owl niya.

Buti naman at buhay pa ang hayop na'to. Naalala ko kasi ang nangyari nang ginamit sila ni Kaye.

Sa pagkakaalam ko, lahat ng natira sa massacre eh nakatago. Not literally pero the school is keeping them. Naging endangered na sila pagkatapos ng nangyari.

I also believe they did it for the sake of the goddess Athena's favor. Sacred pa naman ang owls dito kaya naiiba sila sa ordinary owls. All animals here are sacred and blessed by the gods.

"I heard there are new students?" Bakas ang sabik sa boses niya.

"They're still at the office." sagot ko.

Tumango siya.

"I wonder why... andami nyo ngayon. The school is lucky to have an abundant amount of direct descendants of the Olympians." aniya at isa-isa kaming tinignan.

"Nevertheless, let's continue shall we?" umatras siya.

Mayamaya, napaatras din kami dahil sa biglaang pag iba ng paligid.

Trance.

The whole world went black. I cannot see even the faintest of light.

"Heeeelllooooo" narinig ko ang pag echo ng boses ni Art.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon