A Nice Catch

138K 8.4K 4.3K
                                    

Cesia's POV

Nakaramdam ako ng sakit sa ulo.

Aish. Ang bigat bigat na rin ng katawan ko.
Parang anytime lang babagsak na nga ako ng tuluyan.

Napalingon ako sa taong kumalabit sa'kin.

"Cesia... okay ka lang?" napatigil silang lahat sa tanong ni Art.

Ngumiti ako saka tumango. Agad ko silang tinalikuran para hindi nila mahalata ang tinding pagod at sakit sa mukha ko.

Kanina pa kami naglalakad.

Hinahanap kung saan nakalagay ang bato. Pero ewan. Wala kaming nakikita kundi itim at greyish na fog dahil sa ability kong mag manipulate ng trance.

Ilang segundo akong nakatayo nakatulala sa harap ko nang may kuryenteng dumaloy mula sa mga daliri ko na siyang gumising sa'kin.

Hinila niya ang baywang ko para mapalapit sa kanya.

"Trev. Wag mong sayangin ang ability mo." bulong ko sa kanya.

Hanggang ngayon, di pa rin niya ako binibitawan. Mukha ngang wala siyang balak na bitawan ako base sa higpit ng braso't kamay niya.

Napabuntong hininga ako.

Buti naman...

Nahalata niya sigurong nahihilo na ako.

"Why are you telling me that when you're the one getting weaker and weaker...?" mahina ang boses niya pero sapat lang para marinig ko ito.

Oo nga.

Psh.

Nawalan ako ng balanse saglit pero tinulungan naman niya ako.

"I think I'm seeing something." Ani Kara at tinuro ang isang bola ng liwanag.

Finally. Nasa gitna na kami ng lugar na'to.

"Great. That means you can stop using your powers now." yumuko siya para tignan ako.

Tumango ako and in a second, wala na akong nakikita. Pati sila di ko na nakikita. Pero ramdam ko pa rin ang kamay niya sa'kin.

At rinig na rinig ko ang heartbeats nilang lahat.

By 'lahat' I mean lahat. Kasali na diyan ang heartbeat ni Cal na ilang metro lang ang layo sa'min.

Bumitaw ako sa kanya at iniwan sila.

Nagtungo ako sa ibang direksyon. Within reach na sana ang liwanag kaso tumilapon ako.

Hay ewan ko sa'yo Cal. Sineseryoso mo talaga ang trabaho mo.

Nanatili akong nakahiga nang napansin ko ang mga bituin sa taas. Ginamit ko ang ability ko para tignan kung mga stars nga ba ito.

Mga bituin nga...


Napangiti ako.

Pagkatapos makahanap ng sapat na hangin, napagdesisyunan ko munang umupo.

Naririnig ko ang kaguluhan mula sa kabila. May tunog ng mga katawang bumabagsak. At hindi mawawala ang mga mura ni Chase.

"Hey..." narinig ko ang boses ni Kara.

"Kara yung bato..."

"I know." narinig ko ang mahina niyang tawa.

Natawa rin ako "sa ilang minuto ng paglalakbay natin wala man lang nakapansin.. ginamitan ko pa nga ng ability ko."

"You made them visibly brighter." tumabi siya sa'kin.

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon