Epilogue I

133K 6.6K 3.5K
                                    

Cesia's POV

Tinignan ko ang orasan.

'4 am...'

Napahikab ako saka tumayo. Nagugutom kasi ako eh. Tumunog yung tiyan ko kaya napagtanto kong tama nga ang ginagawa ko.

Lumabas na ako sa kwarto and as expected, medyo madilim. Kaunti lang ang nakapasok na liwanag mula sa labas ng veranda.

Madali lang naman ang inilaan kong oras para kumain. Pagkatapos uminom ng tubig,  naglakad na ako pabalik sa kwarto.

Nang nakarinig ako ng ingay sa salas.

Kumunot ang noo ko. Sinundan ko ang anino na papalabas ng veranda.

"Cal?"

tinignan niya ako. Naka jeans siya at black jacket. May bitbit rin siyang backpack.

"Cesia.." sagot niya.

Narinig ko si blobblebutt na naghihintay ata sa field.

Hmm..

Napangiti ako saka tumango. "Hanapin mo siya, Cal. Mag ingat ka palagi." tugon ko sa kanya.

Tumango siya bago tumalon pababa ng veranda. I just sighed at napatingin sa langit. Mahal niya talaga yung asawa niya. Naku Art. Patay ka talaga kay Cal dahil iniwan mo siya. Ayan tuloy. Hinahanap-hanap ka pa rin niya.

Hindi pa tapos ang love story ninyong dalawa.

"Where's he going?" nagulat ako sa boses mula sa likuran ko.

"Umm... good morning?" natatawa kong bati sa kanya.

Sabay naming tinignan si Cal kasama si Blobblebutt. With wings spread open, they took off. Hanggang sa tuluyan na nga silang mawala sa view namin.

Together, they're in search for her. Kaya panatag ang loob ko na babalik nga siya. Walang makakapigil sa dalawang nilalang na gagawin ang lahat maibalik lang ang taong minamahal nila.

"Love is indeed, dangerous." puna ko.

"Then I'll take the risk." sagot niya.

Tinignan ko siya at napangiti sa hitsura niya. Hmm. Gwapo pa rin. Fair enough.

"breakfast?" aya ko.

"please." tumango siya.

•••

"Congratulations Jamie and Sebastian, you are now officially newly weds!" nakatanggap ng sapak mula kay Ria si Chase.

"Joke lang. Congrats tol! Alpha ka na!" inakbayan ni Chase si Sebastian.

After what happened, the Academy agreed to enroll Jamie and Sebastian in advance. Aba. Dapat lang. They risked their lives as demigods. That's enough to make them worthy para maging estudyante sa school na'to

"Thea..." I read her name.

Lumapad ang ngiti niya. Then we embraced each other with a group hug.

Thea, yan ang napiling pangalan ni Jamie. Aside from the fact na malapit lang ito sa pangalan ni Theosese, she chose it in honor of Art.. since Thea, is also a goddess of light.

Meanwhile...

Sebastian chose Seht. Dahil gusto niya raw panindigan ang pagiging 'protector of demigods' niya.

"Thea and Seht, you are now worthy to be called Alphas!" anunsyo ni Ria.

"Yuss!!" nag fist bump yung dalawa.

Mga baliw talaga. Hmm. Why do I feel like magiging best of friends 'tong si Ria at Thea? Anyways. That's good to know. May mag-iingay pa rin sa dorm namin.

Habang nasa corridors, may naisip ako.

"Kakain pa rin ba tayo dun sa super secret underground restaurant thingy?" concerned kong tanong sa kanila.

Narinig ko ang paghalakhak nila.

"GET OVER IT CESIA!" natatawang sabi ni Ria.

Eh?

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon