Safe & Found

139K 6.4K 1.3K
                                    

Jamie's POV

"Sure ka bang kaya mo ng maglakad?" halata namang di pa nya kaya eh.

Nagpupumilit lang talaga kaya wala na kaming magawa kundi tignan siyang nagsusumikap na makatayo.

"eh ikaw?" bumaba ang mga mata niya sa namamaga ko pang binti

Sinimangutan ko siya. "Ako nga yung tinutulungan ka eh.."

Napabuntong-hininga nalang ako habang tinitignan ang sitwasyon niya. "Abnormal ka rin ano?"

Nakita ko ang disappointment sa mukha niya at padabog na umupo. Napagod ata.

"Ewan ko sa'yo kung bakit ginawa mo pang sipsipin ang lason sa katawan ko. Tignan mo yung nangyari sa'yo." tumabi ako sa kanya.

Kumuha pa ako ng extra crutches para sa kanya na sa tingin ko'y useless muna sa ngayon.

"Shouldn't you be thanking me?" nakayuko siya habang inuugoy ang mga paa, sinisiyasat ang kondisyon nito.


Huminga ako ng malalim.

"salamat..." mariin kong sabi na siyang kumuha ng atensyon niya.

Okay fine. Sige na. Ako na ang may kasalanan kung bakit nandito kami ngayon naka admit sa ospital. Ako na ang tanga. Hindi naman kasi ako nakinig sa sinabi niya.

"You're so stupid.." napailing siya habang tinitignan ako.

"alam ko kaya di mo na kailangang sabihin 'yan.." wala na akong option kundi sumang-ayon sa sinabi niya.

Apat na arawng walang malay... May ganun ba? Grabe naman.
Pag siguro mga tatlong araw di ba patay na yun? Tas apat?

Medyo weirdo din yung ahas eh.

Paglabas ko sa sasakyan, wala pa naman akong nakikitang ahas. Pero posible ring nanggaling yun sa ilalim ng kotse.

Ilang minuto kaming tahimik hanggang narinig namin na may kumatok kaya napatayo kaagad ako para lumabas na.

"Yung nurse na ata 'yan. Babalik muna ako sa room ko." pagpaalam ko sa kanya.

Tinanguan niya ako. Tinignan ko muna siya bago pinihit ang knob. Binuksan ko ito at nakita ang isang nakangiting nurse na may dalang tray.

Nginitian ko rin ang nurse saka lumabas na sa room.

Ilang hakbang lang nang tumigil sa paglalakad ang mga paa ko.

Agad rin akong kinilabutan sa daloy ng hangin.

Umikot ako para tignan ang likurang bahagi ng hallway.

Wala naman akong nakikitang kakaiba kaya humarap ulit ako.

"Sebastian." bumalik ako sa dati kong landas at dali-daling binuksan ang pinto.

Napag-alaman kong lock ito kaya naghanap ako ng pwedeng gamitin pang bukas.

Katabi ng pinto ay isang bench na may nakalagay na mga kung anu-anong bagay.

Mga gamit na naiwan o nakalimutan siguro katulad ng mga rubber bands... card!

Isang grocery store loyalty card.

Ininsert ko ang card sa gitna ng pinto at frame. Patuloy kong itinaas-baba ang card para makapasok ito ng tuluyan sa latch. Ilang segundo ng pagkalog sa knob at sumuko na rin ito.

Pagbukas ko, hindi na ako nagmake time para mag react at kinuha ang vase sa mesa saka binasag ito sa pader.

Lahat ng atensyon niya nasa pag kain kay Sebastian, di nga niya narinig ang pagbasag nung vase. 

The Last Elysian Oracle (Soon to be Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon