Chapter 5

13.3K 376 17
                                    

**********************************[ CHAPTER 5]***************************

Bianca’s POV

“Bianca, umaasa ako na mananalo ka,” sabi ni Denise habang hawak hawak ang kamay ko.

Nakakapag taka talaga siya?

I mean, hindi kami close tapos naiwan kami ngayon dito sa loob ng room para makapag-usap..

Ang weird…

“ahmm, ano..kasi Denise….di ko talaga maintindihan ang mga pinagsasabi mo eh, pasensya na ah….sa totoo lang, I really find you weird today??.,” sagot ko ng may pag-aalinlangan

Bigla namang tumaas ang isa niyang kilay

“Ano ba Bianca, wag mo na ngang itago ang pagiging candidate mo,” sabi niya

(?_____?)

“candidate? Saan ?, ,” naguguluhan kong tanong

“Bianca naman eh, I saw your name listed on the Official list of Candidates sa search for the Campus Royale Family, princess,”

O_________O

“WHAT?! Are you kidding me?,” naiinis ako sa mga pinag sasasabi niya..

Pero pilit kong kinakalma ang sarili ko..

“ano ba Bianca, umayos ka nga., nakasalalay ang pride ng buong klase natin sa mga kamay mo…subukan mo lang na tumakas, lagot ka sa akin!,” pagbabanta ni Denise

I can’t believe this…

“Ewan ko sayo, wala ako sa mood na makisakay sa trip mo,” tapos tumayo na ako

“Hey ! don’t act like you doesn’t want to be part of it.. as if I know, na deep inside, gusto mong sumikat dito sa School!,”

Naramdaman kong namamasa na ang mga mata ko…

“ganyan ba tingin mo sa akin?,” my voice broke at mabilis na akong tumakbo sa pinto para makalabas..ayokong makita ni Denise ang pag-iyak ko..

Pagbukas ko ng pinto, mukha ni Claire ang sumalubong sa akin

“Sorry, Bianca..,” tapos yumuko siya

“Sorry..? akala ko kakampi kita..--- mukha yatang ikaw pa may pakana nito,”

“Sorry talaga Bianca,”

“Liar!!,” tinulak ko siya at tumakbo na ako palayo

Nakakainis silang lahat!

Bigla namang bumuhos ang ulan ng makarating ako sa garden..

Nakakalungkot naman ang istorya ko, niloko na nga ako ng Ex ko, pati kaibigan ko pinagkatuwaan pa ako

“HOY ULAN!! Bakit ka ba bumubuhos kapag nagdadrama ako ?!!,” baliw na siguro ako.. pati ang ulan napag diskitahan kong kausapin…

“ULAN !!! Sana bumaha sa bahay ni Paul para MALUNOD SIYA!!!, aaaaaaaaaaah!!,” patuloy pa rin ako sa pag sigaw, ganito ko mailalabas ang lahat ng sama ng loob ko

“ULAAAAAAAAAAAAAAANNNN!!! Sana tamaan ng kidlat ang lahat ng mga manloloko sa mundo!!!!,”

.

.

.

“HOY!,”

O__________O bigla akong napahinto sa pag-iyak

Teka? Boses nino yon???

“U..u..ulan?.. ikaw….ba..yon??!,” sa totoo lang ngayon ko lang na realize na pwede pa lang mag create ng human sound ang ulan

“Hoy babae! May you shut your mouth?,” wow! amazing..nagsalita ulit ang ulan…teka, am I loosing my sanity?

“ulan!! Marunong kang mag-Filipino?!” nababaliw na talaga ako..pero kahit paano, medyo umayos ang pakiramdam ko..

“Hoy Creepy girl, could you please stop your stupidity?,” sagot na naman ng boses..grabe…ibang level ‘to, galing states ang English accent..

“Hey Mr. Rain!! Please take away all my pains!!,”

*silence*

Teka nga.

Teka nga,

Nakakahalata na ako eh..

Boses lalaki ang ulan??

Binatukan ko naman ang sarili ko..nagbabakasakaling magising kung nananaginip ako

.

.

.

“Good. Just shut your mouth,”

At lumingon ako sa paligid..

Saan nanggagaling ang boses na iyon?

.

.

Nilingon ko na ang buong paligid..pero wala talagang tao…

Tumingin naman ako sa taas..

O__________O

Nakita ko ang isang lalaki na nasa itaas ng puno.. nakaupo sa sanga at nakasandal

Bumuhos ulit ang malakas na ulan

“Kanina ka pa ba diyan?,?? hoy! Ikaw yung sumasagot kanina?!,” sabi ko sa kanya

“nauna ako dito…ikaw yung kanina pa na sumisigaw diyan, stupid, tch,” tapos bigla siyang tumalon sa pagkakaupo niya sa taas ng puno..

Hindi ko makita ang mukha niya dahil meron siyang suot na cap..bale ang nakikita ko lang yung ilong niya at lips

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo..pero .. bigla siyang huminto tapos nagsalita ng hindi man lang ako nililingon

“tss, do not fall against the rules,” sabi niya

“huh?”

“trust, it must be expensive so that it cannot be gained easily,’ at tuluyan na siyang nag-lakad palayo

Naiwan naman akong nakatayo sa gitna ng ulan.

Parang sirang plaka na paulit-ulit sa tainga ko ang mga sinabi ng lalaking yon..

“do not fall against the rules…trust, it must be expensive so that it cannot be gained easily.”

Arrrrrrrrrrgggh!! Mas lalong sumasakit ang ulo ko.. PWEDENG PAKI TRANSLATE SA FILIPINO???!! Stressed na nga ako nag eenglish pa!!!! =________=

Parang ewan lang! hindi ko gets

I hate this day.

I hate this day.

I hate this day. 

******************************************************************************

A/n

Hello po readers:) … kumusta po ang takbo ng story??... ahahaha. Comment po kayo kasi po gusto ko na malamanan ang feedbacks ninyo:))) ..thank you po^____^

Abangan po ang next Chapter!

Support po:)

Lovelots,

mspatrickstar

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now