CHAPTER 39

8.9K 217 1
                                    

*********** [ CHAPTER 39 ]**************

 

Bianca’s POV

Matapos ang Recognition Ceremony ay hindi na ako nag-abala pa na makisama sa celebration ng mga seniors. Umuwi ako at buong magdamag na nagmukmok sa kwarto ko. Bukas na ang Graduation ceremony at pagkatapos nito ay ang Graduation ball . Hinayaan ko na lang na sila mama ang mag handa ng isusuot ko para sa parehong event. Ayaw ko na sanang pumunta pero pinilit ako ni Claire at importante daw ito bilang parte ng High School life.

Patuloy lang akong humiga at ni hindi ako nag-abalang bumaba para kumain ng agahan. Patuloy lang ako sa pag-titig sa kisame. Hindi rin ako nakapunta ngayon sa ospital , gustuhin ko man pero ang bigat ng mga paa ko at pakiramdam ko, any moment tutulo ang luha ko.

*Ting*

Agad ko namang inabot ang cellphone ko na nasa side table ng kama ko.

<1 message received>

Troy:

 

Chemotherapy ngayon ni Paul, anong oras ka pupunta?

Agad naman akong nag-reply. .

 

Ako:

Hindi ko pa alam kung makakapunta ako, medyo masama ang pakiramdam ko. Sorry.

Troy:

 

Ganun ba.. hinahanap ka kasi ni Paul.

Ako:

Sorry talaga :(

Troy:

Sige. Pahinga ka na.

Ako:

Salamat. Pakisabi na lang kay Paul ha.

Troy:

Ok.

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now