CHAPTER 45

9.2K 257 9
                                    

*********[CHAPTER 45]************

Bianca’s POV

DALAWANG LINGGO na ang nakakalipas simula ng mag-umpisa kami ni Angel sa OJT namin dito sa C.J.L Corporation. Maayos ang pakikitungo sa akin ng lahat ng kasamahan ko sa Finance Department maliban na lang kay Ma’am Cindy na abot sa Mt. Everest ang taas ng kilay kapag nakikita ako. Ako ata ang napili niyang paglabasan at pagbuntunan niya ng galit.

 

“Bianca, pinapaakyat ka na naman daw sa Office of the President,” sabi sa akin ng isang babae na taga ibang department.

 

“Sige, pupunta na ako,” at ngumiti na lang ako sa kanya. Padabog kong sinave sa computer yung ginagawa ko.

Pinapatawag na naman ako ni BOSS YABANG! Kainis! Sira na naman ang araw ko panigurado!

Badtrip na talaga ako! Dalawang lingo na niya akong pineperwisyo..imbis na masiyahan ako sa pagtatrabaho, nasisira ang mood ko dahil sa kanya! Bakit? Eh sa loob ng dalawang lingo na iyan.. LAGI NIYA AKONG PINAPATAWAG SA OPISINA NIYA! Oo tama! Wala siyang pinapalampas na araw! Hindi kumpleto buhay niya kapag hindi niya ako nabadtrip!

 

“uy, pinapatawag ka na naman~ Gwapo talaga ni Mr.president..,” bulong naman sa akin ni Lyn.

 

“Wala yun doon..yung secretary niya lang ang kausap ko lagi..,” sabi ko na lang sa kanya at umalis na ako sa mesa ko para umakyat sa 11th floor. Everytime na pinapatawag ako sa Office Of the President ay hindi talaga maiwasang mag-isip sila ng kung anu-ano.. pero lagi ko namang palusot ay hindi ko nakikita yung president dahil laging nasa meeting . TAMA! Naging sinungaling ako!! Ang totoo wala talagang Secretary si MR.YABANG! gawa-gawa ko lang yun para hindi ako ma-tsismis

 

 

“Yes Sir?,” pambungad ko sa kanya, wala ng good morning pa! sira na araw ko pustahan! Agad ko namang natanaw ang kagwapuhan ni Mr. Yabang habang seryoso siyang nagta-type sa harap ng monitor niya.

Mukhang hindi ako pinansin ah..ano na naman kaya ang ipag-uutos nito?

“Sir?!,” medyo malakas at pasigaw na talaga ang boses ko para mapansin niya ako.

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now