CHAPTER 43 (part 2)

9.1K 231 8
                                    

********CHAPTER 43 (PART 2)*********

Bianca’s POV

 

“Bianca.. saan ka mag- aapply para sa on job training natin?,” tanong sa akin ng ka blockmate ko na si Angel. Kasalukuyan kaming nakatambay dito sa Library dahil mamaya pang alas-dos ng hapon ang next subject namin..

“Hindi ko pa alam eh, ikaw ba?,” naalala ko naman bigla ang aming on-job training o OJT. Kapag Third year kasi nagsisimula na ng OJT ito yung papasok ka sa isang kumpanya para magtrabaho at mai-train ka sa field..nakakalungkot naman kasi hanggang ngayon ay wala pa rin akong napipiling kumpanya na pwede kong pasukan.

 

 

“Alam mo Bianca, masuwerte yung mga iba nating blockmates kasi may sarili silang mga business kaya madali lang nilang matatapos ang OJT nila,,eh tayong hindi naman pinalad na maging mayaman..eto..doble ang pagsisikap sa buhay..,” sabi ni Angel..tulad ko ay isa rin siyang entrance scholar dito sa Ylleshnne University..

 

“Oo nga eh…saan kaya tayo pwedeng mag OJT?,” sa totoo lang marami namang pwedeng pagpilian pero naghahanap kasi ako ng kumpanya na nagpapasweldo kahit na trainee ka..yung iba kasi walang sweldo..gusto ko rin kasing maka-ipon dahil hindi naman habang buhay ay aasa ako kila Tita, Mama at Papa..

 

“Ahh..bakit hindi kaya natin subukan sa C.J.L Corporation?, ” bigla namang sabi ni Angel

 

“C.J.L Corporation? Yun ba yung kumpanya na isa sa pinakamalaking road developer internationally?, ”

 

“Yes! Nahihilera siya sa Del Rosario Architechtural Firm at sa Ylleshnne Chain of Hotels…basta sikat yun..,ano..subukan nating mag-apply? Malay mo kapag nagustuhan nila ang performance natin, i-hire nila tayo pagka-graduate natin diba..”

“Pero ang alam ko kasi hindi sila tumatanggap ng Trainees diba..,”

Bigla namang bumulong si Angel sa akin, “Ang alam ko..tinatanggap nila kapag scholar ng Ylleshnne University..kaya malay mo swertehin tayo at mapabilang tayo dun sa mga piling trainee nila ....,” nangingiti pa si Angel habang sinasabi niya ito..

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora