Chapter 9

12.8K 362 9
                                    

******************************************************************************************************************* [ CHAPTER 9] ********************************************

-One month After-

Normal pa rin naman ang buhay estudyante ko except sa pagiging candidate ko sa search for Campus princess.

Ayy mali.

Mali.

MAGULO .

Sobrang gulo ng buhay ko dahil sa CONTEST NA YAN!!!

Ang daming babae na galit sa akin, yung tipong gusto nila akong i-bully .., sabunutan, sipain , kulamin!

At kung ano-anong issue ang lumalabas sa school ng dahil lang sa contest na iyan!

Argggggggggh!

Kasalanan ko bang

GWAPO SI CHARLES JAMES NA KAPARTNER KO?!

CHOICE KO BA NA PAGLAPITIN KAMI NG DESTINY?!!!

Yung totoo…!!!~ napaka-immature nila!

At isa pa, hindi ko gusto si Charles James, in fact,..

KABARKADA KO NA SIYA NGAYON.

At hindi ako mukhang supermodel para patulan ni Charles James..!

*sigh*

Isang buwan na nga rin pala kaming nag-uundergo ng training, actually, three months daw ang training before ang coronation day. So two months na lang ang natitira at official Pageant Day na..

Shocks! Nakakapagod!

Pano ba naman, after kong magpakasubsob sa tambak na school works, ako ang laging napapagbuntungan ng kahihiyan sa training room!

Katulad ngayon, papunta na ako sa training room dahil may practice nga kami ngayon…

Kinakabahan ako..promise..

“Bianca, you’re late!,”

“sorry po, nag-advance classes po kasi kami,” sagot ko

“aba’t nakuha mo pang magdahilan…sige pumasok ka na doon sa dressing room,”

“okay po”

At naglakad na ako papunta sa dressing room..

Grabe lang noh?! Sigaw agad ang bati niya sa akin..well., yung kumausap sa akin kanina, siya si Ms.Dy, siya ang pinakamasungit na trainor namin.

Ewan, mukhang may galit siya sa mundo at ako lagi ang breathing space  niya…

Kaya hanggang ngayon wala pa ring asawa, hahaha!!!!

Pagpasok ko sa dressing room, nakita ko na yung ibang mga kapwa ko contestants pero as expected, lahat sila nagtataray , sobrang sineseryoso nila ang contest na ito…

Umupo na ako sa area ko, actually, 20 na lang kaming contestants dahil nagkaroon ng elimination ..

“Bianca, ito ang isusuot mo ah, rarampa kayo mamaya, ito rin yung isusuot mong heels,” sabi ni Ate Mau sabay abot sa akin ng mga gamit ko

“Salamat Ate Mau, ”

“sige, galingan mo ha,” at umalis na siya

Si Ate Mau ang naging ka-close ko dito, actually siya ang official costume designer ng pageant. Sobrang bait niya at ang ganda pa niya.

Agad ko namang sinuot yung dress na mukhang pang-doll

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now