CHAPTER 22

8.7K 240 13
                                    

**********[CHAPTER 22]**************

Bianca’s POV

Hindi ko alam kung bakit masakit ang puso ko.. siguro kailangan ko ng magpa-check up.. baka may sakit na ako sa puso..

Binatukan ko ang sarili ko at sinubukan kong kumalma.

Sa sobrang bilis kong tumakbo ay hindi ko namalayang nakarating ako sa playground ng village. Ito ang isa sa pinaka paborito kong lugar dahil tahimik at wala masyadong tao. Na-upo ako sa swing at ipinikit ang mga mata ko.

 

Naramdaman ko namang may umupo sa kabilang swing kaya dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko

“Hi, makiki-upo muna ako ah ,” nakangiti niyang sabi

“okay lang po,” sagot ko din sa kanya. Ang ganda niya at mukhang ang bait pa

“eto oh,” tapos inabot niya sa akin yung panyo niya. Nagtataka naman akong tinignan ito

“Kailangan mo ito diba.. kanina mo pa pinipigilan ang luha mo..”

“ha?”

Pero imbis na sagutin ako ay inilagay niya sa kamay ko yung panyo.

“Alam mo ba na dito rin ako madalas pumunta kapag gusto kong mapag-isa..”

“taga-rito ka rin po Miss?,” tanong ko naman

“Ate Icelle, yan ang itawag mo sa akin…”

“Ate Icelle, dito ka rin po sa village nakatira?”

Umiling naman siya.

“Hindi .. malapit lang kasi dito yung pinagta-trabahuhan ko”

 

“Ahh, kaya po di kayo masyadong pamilyar…”

 

“Oo, madalas nandun ako sa bahay ng amo ko.. dakilang alalay ako eh! Ahahahaha,”

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now