CHAPTER 36

8.4K 204 3
                                    

**********[CHAPTER 36]****************

 

Bianca’s POV

Masakit pala kapag ikaw yung iniwan? Yung pakiramdam na ikaw ang talo kahit ulit-ulitin mo pa ang laro.

Kelan ko nga ba nagustuhan si Charles James?

At kelan ako naka-move on kay Paul?

Pwede bang daalwa ang mahal ng puso? Pwede ba yun?

Para na akong zombie dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Masyado akong maraming problemang kinahaharap. Hindi na rin ako nakakatulog tuwing gabi at lagi kong nakikita sa panaginip ko si Charles James na naglalakad palayo sa akin.

Bakit ang hirap naman ng ganitong sitwasyon ?   

 

“Bianca, okay ka pa ba?,” nakita ko si Claire na kumakaway pa sa harapan ko.

 

“Y-yeah,” sagot ko na lang saka itinuloy ang pagkain ng lunch.nandito kami ngayon sa school canteen.

 

“You’re spacing out again, ” komento naman niya at worried lang na nakatingin sa akin

“Nah, marami lang tumatakbo sa isip ko,” sagot ko na lang. Pero simula ng nag-confess si Charles James sa akin ay hindi na ako pinatahimik ng konsensya ko. Mali ba na hindi ko sinabi sa kanya na gusto ko siya? Ewan. Magulo ang isip ko.

 

“Yeah right, lagi kang tulala at ang laki na ng eyebags mo oh, ” sabi naman ni Claire sabay turo sa ilalim ng mga mata ko. I just shrugged. Yeah, hindi nga kasi ako makatulog..

“Ano bang ginagawa mo dito? Diba kasama ka sa mga na-assign na mga mag-aayos ng activities before graduation?, ” pagiiba ko ng topic.

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant