CHAPTER 18

11K 292 12
                                    

******************[ CHAPTER 18 ]****************************

Bianca’s POV

                  

Maaga akong nagising at nag ayos para sa pagpasok sa araw na ito. Nag –agahan na rin ako kasabay ni Tita at ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagbusina ng sasakyan sa labas.

“Alis na po ako Tita, bye po,” tapos agad na akong lumabas ng bahay at nakita ko na ang magandang sasakyan ni Charles James

 

“Good Morning Ma’am Bianca, ” bati sa akin ng driver ni Charles James na nakangiti

 

“Good morning po Manong,” batik ko rin pabalik.

 

“Sakay na po Ma’am Bianca,” tapos binuksan na niya ang pintuan sa passenger’s seat.

Nag nod ako at dahan dahang pumasok. Nakita ko na nakaupo si Charles James sa kabilang dulo. Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa labas ng bintana.

Isinara na ni Manong ang pinto at nanatili naman ako sa kinauupuan ko. Tumingin na lang din ako sa labas ng bintana. ANG AWKWARD  sa loob ng sasakyan. Dati naman, hindi ganyan si Charles James… lagi siyang nakangiti kapag umaga. Pero ewan, magulo ang isang ‘to eh.. may tama yata sa ulo.

“Stupid !,” nagulantang naman ako sa lakas ng boses niya. Teka ?! ako ba tinatawag niyang stupid ?! kapal ng mukha!!! Ano na naman bang kasalanan ko ?! ewan. Di ako tumingin sa kanya .. kainis !!

“STUPID!!!,” sigaw na naman niya. At nababadtrip na rin ako !!!

“Jerk !”, kaya sa pagkakataong ito ay sumagot na ako ng hindi siya tinitignan.

“STUPID !!,” sigaw na naman niya at talaga namang narindi na ako kaya nilingon ko na siya at napahinto ako dahil mukhang abalang abala siya sa tablet niya at naka-earphones pa yung kumag ! kainis!! Naglalaro siguro siya dun sa tablet .

Tinignan ko lang siya. At lumingon naman siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

 

“What ?!,” inis niyang sagot sabay tanggal ng earphones niya. Shocks! Ang gwapo lang !

Inirapan ko lang siya at bumalik na ako sa pagtingin sa bintana.

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now