CHAPTER 51

8.7K 211 5
                                    

**********CHAPTER 51************

“Good Morning! Delivery po for Ms. Bianca,” masiglang pagbati ng isang lalaking may hawak na mga bulaklak

Walang umimik at kitang kita ko kung paano matigilan ang mga empleyado na kasama ko sa finance department.

Excuse me po, delivery po for Ms. Bianca..,” nag-aalangan namang ulit nung lalaki

Huminga muna ako ng malalim bago ko napagpasyahang tumayo.

“Ako po iyon,” tapos lumapit na ako kay Manong

 

“Ito po Ma’am, tapos po paki sign na lang po dito,” ibinigay naman ni Manong sa akin ang isang box ng mamahaling chocolates at bouquet of red roses.

 

“Thanks po,” sagot ko na lang at kasabay nito ang pag-alis ni Manong .

Dahan-dahan naman akong naglakad papalapit sa table ko at alam ko na hanggang ngayon ay shocked pa rin.

 

 

“Ehem,” nabasag ang katahimikan ng biglang lumabas si Ma’am Cindy sa office niya.

Nag-angat ako ng tingin at kitang-kita ko kung gaano kataas ang kilay niya na parang aabot na sa Mt. Everest. Nagsibalikan naman ang mga empleyado sa kanilang mga gawain.

Nilingon ko naman si Lyn at kinindatan niya ako. Awtomatiko namang pumula ang pisngi ko.

Maingat kong nilapag sa table ko ang mga bulaklak at gayon na din ang isang box ng chocolates. Binasa ko naman ng palihim ang nakaipit na letter.

 

 

[My love,

I’m so sorry that I could not take you out for lunch today. Please don’t hate me.

Take care and I miss you.

 

Smile for me. My love]

Hindi ko maiwasang kiligin at alam kong halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti.! Charles James is back. Yung sweet, caring and mayabang na Charles James.

Ilang lingo na rin ang nakakalipas simula ng umuwi kami mula sa Puerto Prinsesa Palawan. Simula noon ay mas naging sweet na si Charles James at hindi na rin siya masyadong magagalitin. One thing that never changed is definitely his boastfulness. Sobrang yabang pa rin!

Lagi niya akong itinatakas sa opisina para sabay kaming mag-lunch at mas madalas na siya ang naghahatid sa akin pauwi ng bahay.

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon