Chapter 4

1.1K 28 0
                                    

Demon P.O.V

Nandito ako ngayon sa head council para sabihin kay master Vic na mag aaral ako sa White Academy dahil trip ko lang.

"Oh Demon magandang umaga, napadalaw ka anong sadya mo dito?" pag bati niya sa akin.

"Nandito po ako para sabihin na mag aaral ako sa White Academy. At paki bantayan nalang si Luci" Bigla siyang napa tayo dahil sa sinabi ko.

"ANOOO!! Bakit ka doon mag aaral may paralan naman dito! dahil ba kulang tayo sa guro at mga facilities ng eskuwelahan natin dito. Demon naman alam natin na ikaw lang ang makakatulong sa amin dito di ba? At paano kapag may mga dark wizards na susugod dito ha! Demon!"
Patay galit na siya.

"Gusto ko kasi matuto ng marami para sa takdang panahon kaya na natin sila patayin at wag kayo mabahala sa mga dark wizards lalagyan ko ng shield ang buong village para wala ng makaka pasok na iba dito at ikaw lang ang may kakahayan na mag papasok ng mga ibang tao dito sa village at sa hiling ko lang ay bantayan niyo si Luci at sana wag niyo siyang iwan mag isa maliwanag po?" hooo ang haba nun ha. At tumango naman siya.

"O sige na nga wala naman akong mapapala sayo dahil sa tigas ng ulo mo basta dadalaw ka dito at mag iingat ka doon" napangiti ako ng kaunti sa sinabi niya na ang tigas ng ulo ko. At tumango lang ako.

"Sige mag liligpit lang ako ng mga damit ko. Ikaw na ang bahala mag paliwanag sa kanilang lahat."

"Sige sana gabayan ka ng mga dyos sa paglalakbay mo papunta sa academy na iyon at samahan ka ng mga god at goddest papunta doon" Sana mga gabayan din nila ako.

"Sige 'ho salamat sa lahat"

At tumayo na ako at lumabas ng council at dumiretso sa bahay para mag ligpit ng gamit.

"ATEEEE DEMMONNN!! WAG MO AKO IWAN ATEEEEEE PLEASEEEE..." umiiyak na si Luci ayaw ko siyang iwan pero kailangan.

"Luci intindihin mo naman si ate oh kailangan ko pumunta sa academy na iyon para matulungan tayo na ibalik si kuya Dwayne mo dito, diba yan ang gusto mo? Pangako ko sayo babalik ako na kasama si kuya Dwayne mo ok? Do you understand what I mean Luci?" humihikbi siya habang tumatango.

"Dadalaw ka ha ate Demon wag mo kami kalimutan"

"Hindi ko kayo makalimutan pati na ikaw Luci. At magpapakabait ka dito wag mo silang bigyan ng sakit sa ulo at kumain ka ng marami at kailangan pag balik ko matutunan mo na ang kapangyarihan mo ha promise mo yan kay ate" at tumango lang siya at niyakap ako. At gumanti naman ako ng yakap.

"I promise ate Demon magpapakabait ako"

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa akin ni Luci at tumayo.

"Kayo na ang bahala dito sana wag niyo damdamin ang pag ka alis ko dito babalik din naman ako dito na malakas at buong buo pa kaya wag kayo mag alala sa akin."

Nag simula na ako mag lakad patungo sa malaking gate dito at kumaway sa kanila habang sumigaw ako ng 'paalam hanggang sa muli', hanggang sumirado ang gate.

"Silver lumaki ka para makasakay ako sa likod mo" bigla nalang ito lumaki, pero katamtaman lang. At sumakay na ako sa likod nito at pumasok na kami sa gubat.

***after 3 hours***

3 hours na kami naliligaw sa gubat na ito. Pero may nakita kaming matandang babae kanina. At itinuro niya ang patungong White Academy. At salamat sa kanya natagpuan din namin ang eskuwelahang ito.

Ang masasabi ko sa eskuwelahan ang ganda. May gate dito na may naka lagay na

---»»»WHITE ACADEMY«««---

At inukit ito sa isang gold. At makikita dito ang loob ng academy parang palasyo. Naputol ang pag dedescribe ko sa academy ng may nagsalita.

"Sino ka anong pakay mo dito siguro dark wizard ka 'no dahil naka hood ka"

Ay grabe si kuya guard dark wizard agad at sino naman dark wizard na pupunta dito sa harap ng gate para mag pa huli. Tss. Bobo din tong guard na ito. Kaya tinanggal ko na ang hood ko sa ulo at tumingin sa kanya.

"Mukha ba akong dark wizard manong guard. At sinong matinong dark wizards pupunta sa harap ng gate na ng iisa. At excuse me po pumunta ako dito para mag enroll po manong" parang naniwala naman.

"Sige sumunod ka na lang sa akin papunta sa Head Master" tumango lang ako. At nag simula na siya mag lakad kaya sumunod na din ako.

Nandito na kami sa head master office. Siya muna ang papasok para sabihin sa HM na mag papaenroll ako. Maya maya lumabas na siya at pina pasok ako.

Pagpasok ko isang matandang lalaki nakaupo sa swivel chair at may kinukuha na nga papel.

"So you must the new girl transferee that Ismael told me" tumango lang ako. At inilapit niya sa akin ang isang papel.

"Kindly answer the questions there and give it to me after" tumango ako ulit at kumuha ng ballpen.

Madali lang naman ito
Pangalan: Demon Forrester
Age: 17
Birthday: September 21
Mother: none

Father: none
Guardian: Master vic

Ayun lang ang dali pero nakakagutom din pala sumagot ng question. Ibinigay ko na sa kanya ang papel.

"I forgot to introduce my self I'm Head Master Kael. Here's your schedule for tomorrow, your dorm room and key and you have 4 roommate and can I know your power Ms. Forrester?" sabi niya habang tumitingin sa papel.

"Weapon summoner and ice manipulator" Bigla siya umangat ng tingin ng sinabi ko iyon.

"Really? Ngayon lang ako naka tanto na may isa din palang normal na white user na dalawa ang kapangyarihan" parang bilib na bilib na siya na dalawa ang kapangyarihan ko kung alam niyo lang hindi lang dalawa ang kapangyarihan ko.

"Dahil wala ka pang pasok ngayon pwede kang mag tour sa buong academy and I almost forgot here's your card for your money" kinuha ko ito at pinasok sa bag ko.

"I'll go ahead" tumango lang siya. At lumabas na ako para mag tour sa buong academy.

Ilang oras na kami ni Silver na tinotour ang buong academy. Ang masasabi ko lang ang ganda ng academy kahit sulok nito ang ganda. At dahil sa pagod sa pag lalakad pumunta na ako sa dorm para mag pahinga.

Medyo naligaw ako ng kunti dahil sa laki ng building ng dorm. Tapos ang layo pa ng room ng na assign sa akin.

Pati nga si silver hinihingal na sa kakalakad sa hagdanan. Na may elevator naman. Oa din kasi tong asong to nahihilo daw siya kapag sumakay siya sa elevator. Bwesit kaya ito lakad ng lakad hanggang makarating sa dorm ko at madali ko naman nahanap ang kwarto ko na kulay puti tapos wala pang design.

"Thank you lord makapahinga na rin ako" sabay higa ko sa higaan at unting unting pumipikit ang mga mata ko.

—————

DONE

--»»White Academy««--Where stories live. Discover now