Chapter 10

1K 26 0
                                    

Demon P.O.V

"Demon"

"Sino yan?"

"Demon"

"Sabing sino yan eh. Mag pakita ka. Wag mo akong takutin"

"Demon ako ito ang guardian pet mo"

Guardian pet? Tumingin ako sa kanan at kaliwa wala naman akong makita. Puro itim ang nasa paligid para akong bulag na gustong makakita.

"Magpakita ka!" sigaw ko nito

"Tignan mo ang puting liwanag nandyan ako pakawalan mo ako para makita mo ako" puting liwanag nasaan kana *tingin sa kanan at kaliwa * wala naman ha.

Nagulat ako ng may lumitaw na puting liwanag sa harap ng mukha ko. Hoo ginugulat niya ba ako.

Hinawakan ko ito at bigla na lang ito lumiwanag ng nakakasilaw sa mata. Fuck kaya tinakpan ko ang mga mata ko.

"Demon" ma awtoridad na lalaki ang nagsalita. Kaya hinanap ko ito ng ikinagulat ko shit ang laki niya.

"A-anong kla-laseng dr-dragon ka" nauutal kung sabi. Kasi naman ang laki tapos ang mata nito ang pula.

"Ako ang guardian pet mo Demon, at isa akong legendary dark emperor dragon, Empress" sabay bow nito sa akin. Nakakailang tinawag niya akong Empress. eh sa mortal world lang naman ako tinatawag doon eh kasi gangster ako doon at Empress ang code name ko.

"Ahhh ok may pangalan ka ba?"

"Meron i'm Dark, Empress kung gusto mo ng tulong tawagin mo lang ako sa pangalan ko and i'm only one call away" sabay kindat nito sa akin at nawala na lang bigla. At sabay ng pag mulat ng mga mata ko. Diba kanta iyong sinabi niya?

"OMG GISING NA SIYA! GISING NA SIYA, GUYS GISING NA SI---ARAAYYYY!" nakatikim nang pitong batok itong si Aira dahil sa pag sisigaw niya.

"PWEDE BA AIRA KAHIT NGAYON LANG TUMAHIMIK KA!" hala sumigaw na si Troy hahahahaha epic ng mukha ni Aira.

Lumapit sa akin si Diana at hinawakan ang kamay ko.

"Buti gising ka na, tatlong araw ka ng tulog" tatlong araw grabe, ako na ang bagong sleeping beauty hahahahaha.

"Ganun ba ako katagal natulog eh ano bang nangyari sa akin?"

"Wala ka talagang maalala kahit isa?" - Mikko

"Ang naalala ko lang ay nandun ako sa gitna ng field at nag summon ng guardian pet ko. At nakita ko ang isang itim na dragon na may pulang mata" humina ang pagkakasabi ko nung nakita ko ang itim na dragon.

"Tama ka may itim na dragon nga doon at yun ang guardian pet mo, isang legendary dark emperor dragon"

"Dark " bulong ko.

"Ha anong Dark? eh ang liwanag nga ng ilaw dito sa kwartong 'to" may pagkatanga din tong Aira na 'to.

"No, not that, what I'm saying is that he's name is Dark" tumango lang sila.

"Nagugutom ka ba" tanong ni Drake sa akin, tumango lang ako, aba tatlong araw akong hindi kumakain tapos sasabihin ko busog ako ano ako tanga. Hindi ako ganun 'no. Tapos kapalan na ito ng mukha dahil gutom na ako.

"Nathan, Mikko, Janice, at Aira bumili kayo ng pagkain at kapag wala pa kayo dito after 30 min lagot kayo sa akin " pananakot ni Diana sa kanila. Kaya wala pang isang segundo nakalabas na sila. Hahahahaha mga takot.

--»»White Academy««--Where stories live. Discover now