CHAPTER 42

742 25 0
                                    

Demon P.O.V

Malapit na kaming matapos sa pag labas ng mga upuan sa loob at ito ako ngayon nanunuod na lang. Pagod na kasi ako, ang sakit na ng mga kamay at paa ko.

Kita ko din yung mga boys na binubuhat yung mga circle table papasok sa field.

"Demon ang tamad natin ha?" Napatingin ako sa nag salita at si Dana lang pala ito.

"Preblema mo?" Taas kilay kung sabi dito. Akala ba niya magiging mabait ako sa kanya ngayon. Then magdasal muna siya bago mangyari yun.

"Ikaw, ikaw nag problema ko" napatayo ako ng medyo lumapit na siya sa akin. Walang masyadong tao dito sa lugar namin dahil medyo malayo to.

"At ano naman ang ginawa ko na maging problema mo?"

"Akala mo ba hindi ko napapansin na palagi mo akong tinataasan ng kilay at bina-back stab kasama ang mga kaibigan mo ha?" edi alam niya pala eh ano ngayon ang problema.

"Paki mo eh gusto namin, may magagawa ka ba?" Kita ko yung pag kuyom ng kamay niya at pag iba ng expression niya.

"Sinusubukan mo ba ako Demon?" Binabantaan niya ba ako?.

"Tinatakot mo ba ako? kung Oo, well galingan mo masyado kasi hindi pasado sa standard ko" nagulat na lang ako ng bigla siya sumugod at sinabunutan ako. Hindi naman ako magpapatalo 'no wala sa vocabulary ko yun.

Sinabunutan ko din siya at pinagsasampal. Akala niya kaya niya ako, eh gangster tong kinakalaban niya.

"Hindi mo ako kilala btch"

"Mas hindi mo ako kilala, kaya tumahimik ka" sabi ko sabay hawak ko sa buhok niya at balibag ito papunta sa kabilang direction.

"Shittt" ungol niya.

"You-uu will pay for this, isa akong prinsesa kaya wala kang kawala" tinatakot talaga niya ako. Na hindi naman effective.

"Paki ko, kung anak ka ng hari ikakamatay ko ba yun? Hindi din naman diba kaya lulubusin ko na lang ito kung ipapapatay mo ako" saka ko siya nilisob at pinag susuntok at sabunot. Ayaw ko munang gamitin yung pagiging gangster ko baka mapatay ko to.

"DEMON! DANA! BAKIT KAYO NAG A-AWAY, TUMIGIL NA KAYO!" Biglang pag gitna ni Diana at Xeina sa amin. Kahit hawak na ni Diana si Dana ay pumapalag pa rin ito.

"Hindi pa ako tapos sa babaeng yan" saka siya nag wala nanaman. At saka dumating ang mga lalaki at pinigilan siya.

"Ano ba ang nangyari at nag a-away kayong dalawa?" Tanong ni Janice sa min.

"Bitaw Xeina wag mo ng subukan na pahinain ang katawan ko dahil wala din naman epekto yang ginagawa mo" medyo nagulat siya pero agad din naman bumalik ang mukha niya.

"Xiena wag mo na ngang ganyanin si Demon" sabat din ni Lex.

"FINE, ito na titigil na" saka niya ako binitawan.

"Ano ba ang totoong nangyari at nag aaway kayo?" Tanong ni Diana sa amin. At bigla nanaman mag salita ang bida.

"Lumapit lang ako sa kanya tapos nakipag kaibigan ng bigla na lang siya nagalit at sinabunutan ako saka pinag sasampal" sabi niya sa gitna ng iyakan niya.

"Demon! Diba sabi ko makipag bati ka na sa kanya!" Now naka tanggap naman ako ng sermon galing sa kanya. Na ako yung na biktima.

"WHAT! Hindi ako yung nauna, wag mong sabihin mas maniniwala ka sa kanya Diana na ako yung mas kilala mo"

"Because she is my sister kaya paniniwalaan ko ang lahat na sasabihin niya, and to think Demon sinabihan na kita na wag makipag away kay Dana diba?" Fck this life.

"Diana alam ko na wala akong laban sa kanya dahil kapatid mo siya, pero wag mo naman san akong gawing kontrabida dito dahil kahit kailan hindi ko kayang magsinungaling sayo, kahit isang beses hindi ko kaya Diana" nag simula ng tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Agad ko itong pinahid at tinignan siya ng mapait at ningitian.

"Mukhang cool off muna ang pagiging kaibigan natin Diana walang mangyayaring katotohanan dito kung sa sinungalingan ka maniniwala, wala na akong laban diyan" agad na akong naglakad palayo at pumunta sa lugar na malayo sa kanila.

**^^**

Nandito ako ngayon sa Royal Garden, ako lang mag-isa dahil si Silver daw ay nasa palasyo ng mga fairies natutulog at wala din ang mga elfs at iba pang fairies dito dahil pina alis ko muna.

"Bakit mas pinili niya ang kasinungalingan kaysa sa akin" at saka lumabas ang mga luhang gustong pumatak sa mga mata ko.

"Bakit ba ang sakit nung ginawa niyang pag tanggi sa akin, bakit mas pinili niya si Dana na mas kilala niya ako kaysa doon, bakit?"

Iyak lang ako ng iyak hanggang wala na akong maipalabas na iyak. Nagulat ako ng may biglang lumitaw sa harap ko na isang asul na bulaklak. Kaya agad ko itong kinuha at agad din may lumitaw pang isang bulaklak kaya kinuha ko ito at hanggang paulit-ulit yung nagyayari.

Kukunin ko tapos may lilitaw na bagong asul na bulaklak. Saka ko napansin na nasa may waterfalls ako ng garden. Ngayon lang ako nakapunta dito. Ang ganda pala dito. Agad kung napansin ang isa pang bulaklak pero iba na ang kulay nito, kulay pula na.

"Red roses, bagay sa magandang babae na katulad mo" agad akong napatingin sa likod ko ng may nagsalita.

At agad ko nakita si Silver na naka kapa ng itim at unting unting tinatanggal ang hood nito at nakita siyang nakangiti sa akin ng matamis. Kaya agad kong nilagay sa gilid ang mga bulaklak at tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya. At doon na ako umiyak ng todo.

"Silver" at humagulgol nanaman.

"Sshhh, tahan na nandito na ako, hindi na ako aalis, dito na ako palagi sa piling mo" pero umiyak parin ako ng iyak. Sa mga bisig nito.

"Demon alam mo namang ayaw kung nakikita kang umiiyak diba? kaya nga nandito na ako oh, at hindi ka ba nagandahan sa effort ko kanina sa mga bulaklak?" Agad akong umangat ng tingin at pinahid ang mga luha ko.

"Ikaw ang may gawa nun?" Saka siya tumango.

"Tss. Ang ganda, pero naiyak ako dahil namiss kita ng todo, bakit ngayon ka lang nag pakita ulit?" Tapos pinahid niya ulit yung luhang tumakas sa mga mata ko.

"Sorry, masyadong mahirap tumakas sa kanila kaya kailangan ng araw para makatakas" tss.

"Tumakas ka nanaman, baka hindi ka na kakatakas pag nakataon at hindi mo na ako mabisita dito" at umiyak ulit ako.

"Tumahan ka na bago pa kita mahalikan diyan, sige ka" saka siya ngumiti ng nakakaloko.

"Tumigil ka nga hindi ka nakakatawa" pero tinatawanan niya lang ako.

"Ngumiti ka nga hindi bagay sayo ang malungkot na mukha" saka niya ako hinalikan sa bibig. Kaya lumaki ang mga mata ko at akmang babatukin siya ng mahuli niya ang mga kamay ko.

"No, dati ikaw yung humalik sa akin para mapangiti ako diba kaya binabalik ko lang ang ginawa mo" saka niya ako ulit hinalikan pero malapit lang sa bibig.

"Tss. Palusot mo" yun na lang yung nasabi ko sa kanya.

"Halika nga at payakap namiss ko na ang mga yakap mo" saka ako hinigit at niyakap ng mahigpit.

"Mas na miss kita" at niyakap siya ng mahigpit. Kung kailan nagpapakita siya sa akin oras naman na may nangyayari sa akin na masama. Mukhang pinaglalaro talaga kami ng tadhana.

—————
DONE

PLS...

VOTE AND COMMENT

--»»White Academy««--Место, где живут истории. Откройте их для себя