CHAPTER 44

765 25 0
                                    

Demon P.O.V

Ngayong araw na ito ay ngayon kami mamimili ng mga gamit para sa party. May iba ang  ng hahanda ng mga card nila. May nag pla-plan na saan sila mag papasalon. Saan bibili ng gown. At saan sila bibili ng bagong high heels.

Tss. Babae talaga walang makakatalo pag dating ng ganitong event. Lahat ginagawa para lang maging maganda.

"Dem. Anong oras ka bibili ng gown?" Napatingin ako kay Silver ng tanongin niya ako.

"Mukhang mamaya na, mukhang madadami yung pumupunta sa black market" tumango na lamang siya at tumingin ulit sa tv.

Nandito siya ngayon sa dorm namin nakatambay. Sina Xeina at iba ay nasa kanya-kanyang kwarto. Ang kambal ng hahanda ng mga makeup kit nila. Si Lex hindi ko alam kung ano ang gagawin niya dahil for the first time daw niya mag susuot ng gown at high heels. Si Xeina wala namang problema sa kanya. Nandoon lang siya sa kwarto niya natutulog.

"Silver, kilala mo na ba si Silver?" Medyo naguluhan ako sa tanong ko. Si Silver kilala ba si Silver? (Yung lobo).

"Huh? Pinagsasabi mo? Ako si silver, Si Dwayne Silver" sabay bigay sa akin ng naguguluhan na mukha. Kaya natawa na lang ako.

"Hindi ikaw,  yung isang Silver" pero parang naguguluhan parin siya sa pinagsasabi ko.

"Ok, para hindi ka maguluhan kung sino yung isang Silver ay mag hintay ka muna dito at tatawagin ko muna siya"

Agad akong nag teleport papunta sa royal garden at nadatnan si Silver na naliligo sa lawa.

"Silver mukhang ok tayo dito ha?" Agad itong nag banwas sa lawa at lumapit sa akin.

"Demon namiss kitaa" sabay lapit nito sa akin at halik sa mukha ko. Kaya ito puno ng laway yung mukha ko.

"Ok alam ko, kaya pwede ka ng tumigil" sabay bigay ko ng matamis na ngiti dito. Ang laki din ng pinag bago nitong lobong to. Mas naging malaki ang normal size niya.

"Silver may ipakilala ako sayo kaya, kumapit ka sa akin at mag teteleport tayo" agad akong lumapit sa kanya at hinawakan siya at agad na akong nag teleport kasama siya pabalik sa dorm.

Nandoon pa rin si Silver. Nakaupo sa sofa pero kumakain na ng popcorn.

"Demon diba siya yung lalaking nakita ko sa burol dati? Saka siya din yung nandoon aa hospital ng mawalan ka ng enerhiya sa katawan" naguluhan ako sasinabi ni Silver. (lobo)

"Kilala mo siya Silver?" Tanong ko sa lobo na Silver.

"Siya ang ipakilala mo? Kilala ko na yan, noong nahospital ka. Pinagtanggol pa nga niya ako" Lumapit ako kay Silver. At ipinatong si Silver (aso) sa kanya. Pero kahit magkilapa na sila ay ipakilala ko ulit sila sa isa't isa.

"Silver meet Silver" pag pakilala ko sa kanilang dalawa na ikinunot ng noo ni Silver. Nakakatawa yung mga reaksyon niya.

"Hindi naman obvious na ganon mo ako kamahal na Silver ang ipinangalan mo sa lobong to" napa irap na lang ako sa sinabi niya.

"Tss. Cool" yun lang yun nasabi niya at agad binaba si Silver at ayun na naglaro sila at naging close. Ang bilis nga naman. Kaya ito ako nakatingin lang sa kanila na nag eenjoy sa pinag gagawa nila.

**^^**

Oras na para pumunta sa Black Market para bumili ng dapat bilhin.

"Dwayne sure ka ba na sasama ka sa amin baka mabagot ka lang" sabi ni Sheena kay Silver. Na tinanguan lang ni Silver.

--»»White Academy««--Where stories live. Discover now