CHAPTER 40

771 26 0
                                    

Demon P.O.V

Nagising ako na may mabigat na kamay sa tiyan ko at mabibigat na paa sa benti ko. Agad kung napansin na si Baste yung nagmamayari ng kamay na naka hawak sa kabilang kamay ni Troy. Nakakabakla ang dalawa.

Tapos si Nathan at Mikko nasa may paa ko naka yakap. So ang position namin ay nasa gitna ako sana right side si Baste at Nathan at nasa left si Troy at Mikko. Walang malesya 'to dahil alam nila ang salitang limit. Pero nakakasakit na sila sa ginagawa nila sa akin.

Agad akong tumayo at isa isa silang tinutulak para mahulog sila sa kama.

"ARAAYYYY!"

"ANGG SAKIT"

"FCKK!"

"TSS."

Alam na kung sino yung tss. Sino pa kundi si Baste tibay eh.

"Ang kakapal niyo 'no, ginawa niyo akong unan" saka ako tumayo at pumunta sa kusina at kumuha ng tinapay at peanut butter. Saka ko ito kinain.

"Demon ikaw muna ang maligo sa kwarto ko may uniform doon" tumango lang ako sa sinabi ni Baste. Nag dala kasi ako ng uniform dito para pag dito ako matulog ay may damit ako para bukas.

Agad akong pumunta sa kwarto niya at naligo at nag bihis at lumabas na ng kwarto. Nadatnan ko silang kumakain at tapos ng maligo.

"Sa'n ka naligo Baste?"

"Sa kwarto ni Troy kasya naman sa akin uniform niya" tumango na lang ako at kumuha ulit ng tinapay na may peanut butter.

"Tayo na baka ma-late tayo, may kasama pa naman tayo na mga patay gutom" saka ako lumabas sa dorm nila. Narinig ko naman ang mga ingay ng upuan na baka sumunod na sila.

**^^^**

Pag pasok ko sa room ay nandoon na sila Xeina at ang mga girls. Kita ko sa mga mata ni Xeina na nag tataka. At nag alalang mata ni Diana.

"Oh,anong klaseng mukha yan Xeina?"

"Mukha mo! San ka ba galing kagabi at wala ka sa kwarto mo?" kita sa mga mata niya ang galit at pag alala.

"Tapos pag gising namin wala ka parin, san ka ba talaga nag pupunta?" Isa din tong Lex na to.

"Diyan diyan lang" simpleng sabi ko sa kanila at saka umupo dahil nakakayayat tumayo.

"Pero san ka nga kagabi?" Sasagutin ko na sana sila ng may nag salita.

"Sa dorm namin, isa isa kaming binugbog" sabi bigla ni Troy pag pasok nila. Kaya natawa na lang ako sa palusot niya.

"Ano! Demon ano naman yang ginawa mo" pero tumatawa pa rin ako. Habang sina Nathan at Mikko nakitawa na rin. Habang si Baste ay napa-iling na lang.

"Wala eh, wala akong magawa bored ako" yun na lang ang nasabi ko.

Biglang nagsiupuan ang mga kla-klase ko dahil parating na raw si Ma'am Evergreen.

"Good Morning everyone" bati ni Ma'am sa amin.

"Good Morning din Ms. Evergreen"

"Ok, ngayon ay may magandang good news ako para sa inyong lahat" bigla na lang nag hiyawan ang mga kla-klase ko at excited sa sasabihin ni ma'am.

"Ok tahimik wala na muna ang mag sasalita maliban sa akin, dahil malapit na mag September 1, two days from now ay binigyan tayo ng Head Master ng free days, bukas ay mag de-decorate ang mga mapipiling mga students sa palasyo kaya maghanda na yung mga magagaling sa arts. Yung iba ay dito lang magste-stay. Tutulong kayo sa pag hahanda ng mga decoration para sa mga tables at chairs. At yung magaling sa pag luluto ay tutulong kayo sa kusina sa pag hahanda. At may ma-assign sa lights at effects sa party. At bukas 'nun ay yun na ang araw na pinaghihintay ng mga girls ang pag bili ng mga gowns at saka sa boys din, kaya students malalaman niyo san kayo bukas ma-assign, mamayang hapon ay ipapakita sa field ang mga students na ma-assign na task sa kanila, yun lang at have a nice day everyone"

"O my god hindi na ako makapag hintay" sabi ni Shakira na parang bulateng inasinan.

"Pero wag kalimutan ang parusa ni HM sa atin" paalala ni Lex sa amin.

"Bakit lexybabe ano nangyari at naparusahan kayo ni HM?" Biglang napa layo si Lex sa lugar namin at akmang babatukan si Ian ng mahuli ni Ian ang kamay nito at yakapin.

"Gago bitawan mo nga ako, at papatayin pa kita"

"Lexybabe naman eh, hindi mo ba ako mahal" saka nag puot si Ian na ikinairita ni Lex.

"Fck you, gago kainin mo yang pag mamahal mong puro laro lang" kaya nag puot na lang ulit si Ian at umupo lang sa malapit sa kanya at tinitigan si Lex.

"Ano bang parusa na tanggap niyo kay HM?" Tanong ni Lissana.

"Well hindi naman siya mahirap, ang gagawin lang namin ay bantayin ang party na walang gulo hanggang matapos ang party" paliwanag ni Sheena sa kanila.

"Ayy madali lang pala eh, malalakas naman kayo kaya ok lang yan" hayyy sana nga. Kung pwede lang wala ng gulo ang mangyayari sa party.

**^^^**

Nandito kami sa field para malaman na namin san kami lulugar bukas. At ng hanapin ko ang pangalan ko ay nasa decorating ng chairs at tables lang ako kaya ok na yun kaysa lalabas pa ako ng academy.

"Guys ang buong royalty ay dito lang pero sina Emerald at Sofia ay pupunta sa palasyo" Sabi ni Janice sa amin.

"So kami lang ni Sofia ang lalabas, sayang naman kami lang dalawa" malungkot na sabi ni Emerald.

"Hindi kasi ako pwede lumabas Em kasi babantayan ko pa si Lexybabe ko baka palitan ako ng babae nito" saka tumawa si Ian na ikinagalit naman ni Lex.

"Bwesit ka talagang Ian ka baka gusto mo palitan ko yang pagmumukha mo ha! O gusto mong ipakulam kita"

"Wag baka sa halip na kulamin mo ako gamit ang picture ay baka sinamantala mo na gayumahin ako" saka ito tumawa ulit at nag tago sa likod nila Troy at Baste kasi kanina pa sumabong ang galit ni Lex. Kaya ayun nag habulan ang dalawa.

"Alam niyo bagay ang dalawa, isang playboy at babaeng nag papanggap lalaki, sa huli sila rin bet ko" bigla kung sabi para pukawin ang katahimikan namin.

"Eh kami ni Elmire, Demon bagay ba?" Napa tingin kaming lahat kay Shakira ng magsalita ito.

"Tumahimik ka nga Shakira" biglang sabi ni Elmire na pumupula na ang mukha.

"Wait lang, kayo na ba?" Biglang tanong ni Arianna sa kanila. Si Elmire ay ang pula na ng mukha habang si Shakira ay masayang tumatango.

"WHATT!!" sigaw naming lahat sa kanilang dalawa.

"Wait bakit kayo sumisigaw?" Sabi ni Ian na bagong dating na hinihingal parin. Habang si Lex ay galit pa rin dito.

"Kailan pa shakira, eh kakilala niyo pa lang kahapon- i mean ay kahapon pa kayo naging close diba?"

"Bakit bawal, eh gusto ko siya bigla eh" pabebe ng babaeng to.

"Landi niyong dalawa" sabi naming lahat sa kanila.

Kakakilala pa lang nila kahapon pero sila na ngayon. Ano na ba ang nangyayari sa world. Basta bukas mukhang mahabang oras kaming mag dedecorate nito.

—————
DONE

PLSS...

VOTE AND COMMENT

--»»White Academy««--Where stories live. Discover now